BB Gandanghari Movie Series Appearance Sa Netflix Ikinatuwa Ng Mga Pinoy

Ibang-iba ang ating pakiramdam sa tuwing nakakakita tayo ng isang Pilipino sa isang pelikulang gawa ng dayuhan na pinalabas sa ibang bansa. At dahil sila ay mga kapwa, pakiramdam nati’y isa itong karangalan sa ating mga Pilipino lalo pa’t nakikita ng buong mundo ang kakayahan ng mga Pilipino sa mas malawak na mga manonood. Bagama’t nakakalungkot na kinailangan pa ng mga Pilipinong madiskubre sa ibang bansa, isa na rin itong karangalan dahil nadadala nila ang bansang Pilipinas sa kanilang sariling paraan.

Photo Credit: @gandangharibb/Instagram
Photo Credit: @gandangharibb/Instagram




At nito nga lamang, nagkaroon ng ibang klase ng karangalan at pananabik ang mga Pilipino matapos magkaroon ng cameo appearance ang ating kababayang si BB Gandanghari sa ika-8 episode ng ikatlong season ng Glow, isang programa sa Netflix. Laking gulat at tuwa ng mga Pilipinong manunuod matapos nilang makita ang mukha ng ating kababayan na ginaganap ang isang karakter ng manghuhula na marunong magbasa ng tarot na baraha na si Patricia.

Photo Credit: @glennbegonia/Twitter

Maliban pa rito, nagkaroon rin siya ng pagkakataon na makasama sa eksena ang isa sa mga bida ng palabas na si Alison Brie na ginaganap ang karakter ni Ruth Wilder. Idinaan ng mga Pinoy ang kanilang saya at dangal sa kani-kanilang social media accounts at nakakatuwa lamang na sa isa pang pagkakataon, nararamdaman natin ang pagmamahal natin sa dugong Pinoy at bansang Pilipinas.

Photo Credit: @duo_gabo/Twitter

Hindi ito ang unang paglabas ni BB Gandanghari sa palabas sa Amerika dahil una na itong lumabas sa Too Old To Die Young na isa ring programa sa Amazon Prime. Bago pa magkaroon ng mga pagganap sa programa sa Amerika, naging parte rin siya ng 2 ½ Daddies, isang programa noon sa TV5 dito sa Pilipinas. Taong 2016 nang siya’y lumipat ng bansang Amerika upang makipagsapalaran at tuparin ang kanyang pangarap na maging artista. Gusto aniya ng aktres na maging isang aktres ng kanyang sariling katauhan bilang isang transgender.

Sa isang panayam sa Magandang Buhay, ibinunyag ni Robin Padilla, kapatid ni BB, na habang naghihintay ng kanyang malaking break sa kaniyang karera, suma-sideline muna si BB bilang isang Uber Driver. Isa ito sa mga pinag-aalala ni Robin lalo pa’t hindi raw nila kabisado ang mga tao doon.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *