Bea Alonzo at Gerald Anderson Nagkakalabuan Dahil Kay Julia Barretto

Ang katapatan ay hindi nabibili ng pera o hindi humihingi ng malaking halaga ng kapalit ngunit maraming tao ang hindi marunong sumukli nito. Ang katapatan ibinigay sa iyo ng tao ay dapat suklian mo rin ng katapatan. Katapatan ang karaniwang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng lumot ng isang relasyon ng isang mag kasintahan dahilan upang masira ito at unti-unting mawasak.

Photo Credit: @beaalonzo/Instagram




Hindi naman mahirap gawin, pero kaunti lamang ang nakakagawa ng magbigay ng katapatan. Sadyang siguro ay may mga tao talagang hindi kuntento sa isang taong kasama nila. Isa itong uri ng panloloko na paulit-ulit na ginagawa ng isang tao sa isang relasyon dahil sa paulit-ulit iyong pinatawad ng kanyang kinakasama.

Tila ito ang sentimyento ng bumabalot sa post ng isa sa mga pribadong actres ng kanyang henerasyon na si Bea Alonzo sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account. Bagama’t hindi naman nagbaba ng pangalan ang aktres, marami at halatang para ito sa kaniyang kasalukuyang nobyo na si Gerald Anderson. Maikli, ngunit malaman ang mensaheng ibinahagi ni Bea Alonzo sa kaniyang Instagram account dahilan upang magulantang ang lahat lalo na ang mga taga-suporta nito.

Image courtesy: Gerald Anderson/Instagram 

Patunay sa galit ng fans ay nang tadtarin nila ng mga masasakit na salita ang post ni Gerald Anderson sa Instagram nang batiin nito ang kakapanalo lamang na si Manny Pacquiao sa kanyang laban. Napuno ang kaniyang post ng mga salitang “cheater,” at “manloloko.” Matapos ang post na ito ni Bea, naglabasan na ang mga isyu tungkol sa mga panloloko ni Gerald Anderson hindi lamang kay Bea Alonzo kundi pati na rin sa mga nakaraang nobya nito.


Image Credit:@andersongeraldjr/Instagram


Image Credit:@andersongeraldjr/Instagram


Image Credit:@andersongeraldjr/Instagram

Nadawit rin sa kontrobersiya ang batang aktres na si Julia Barretto na napapalitan kasalukuyang kinakasama ni Gerald Anderson habang sila pa ni Bea Alonzo. Kumalat rin sa social media ang litrato nina Julia at Gerald na tila masyadong “sweet” sa isa’t-isa dahilan upang mas lalo pang uminit ang ulo ng mga taga-suporta ni Bea. Marami ring mga kapwa artista at kaibigan ni Bea ang nagbigay ng suporta sa kanyang pinagdaanan ngayon.


Image Credit:@beaalonzo/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *