Bea Alonzo Binuksan Na Ang Kanyang Kauna-unahang Cafe Business

Kahanga-hanga nga naman ang mga sikat na personalidad na nakapag-iisip na mag-invest sa isang negosyo. Hindi nga naman pang habang-buhay ay nasa tuktok sila ng kanyang tagumpay at kasikatan, na kung saan ang mga ito ay pwedeng biglang maglaho at maari ring maisipan nila ang magretiro dito.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram




Kaya nga ang ilan sa ating mga celebrity ay pinapasok ang mundo ng pagnenegosyo, upang ang pera ng kanilang pinaghirapan sa kanilang pagtatrabaho ay may magandang mapupuntahan na kung saan ay mapagkukunan nila ng source of income dumating man ang panahon na iwan nila ang mundo ng showbiz o maglaho man ang kanilang kasikatan.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Isa nga sa mga sikat na celebrity na pumasok sa pagnenegosyo ay ang napakagandang si Bea Alonzo. Sa kanyang Instagram post noong November 20, ay ibinahagi ng 30-year-old actress ang pagbubukas ng kanyang kauna-unahang Café Business.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Ayon sa aktres isa na siyang franchise owner ng Dean & Deluca, isa sa mga kilala at sikat na café bakery sa bansang New York. Ang negosyong ito ng aktres ay matatagpuan sa Alpha Base, Sct. Rallos Street corner sct. Tuason Street, Quezon City.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

May larawan din ang aktres na ibinahagi sa kanyang Instagram kung saan makikita ang isang tasa ng kape na may caption na; “Good old coffee. Just what I need today. I am happy to announce that we are having our soft opening today of Dean & Deluca in Quezon City.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

I am very excited about this new venture and I can’t wait to dine with you guys and run you through our delectable menu.” “Visit us at Scout Tuazon cor Scout Rallos today.”
Inaanyayahan nga ng aktres ang mga netizens, lalong lalo na ang kanyang mga supporters at tagahanga na bisitahin at pasyalan ang kanyang bagong business na kung saan ay excited siya na ipalasap sa mga bisita rito ang kanilang mga menu.




Sa isang interview naman sa ABS-CBN na kung saan ay pumirma ang aktres ng panibagong kontrata sa nasabing network, sinabi ng aktres na pinag-aralan niya at pinaplanuhan ang pagpasok sa negosyo. Noong September 2018 din ay natapos din ng aktres ang maikling kurso ng baking sa Center for Culinary (CCA) Manila. Para rin sa mag celebrate ng panibagong milestone nya sa kanyang buhay ay nagpadinner ang aktres sa CCA Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *