Bea Alonzo Inamin Na Ang Pakikipag-Date Sa Aktor Na Si Dominic Roque

Makalipas ang limang buwan na mga espekulasyon tungkol sa pagkakaroon umano ng relasyong aktres na si Bea Alonzo sa hunk actor-model na si Dominic Roque, ay binigyang linaw na nga ng aktres kung ano ang tunay na estado nilang dalawa.




At ‘Yes’, sila umano ay nagdi-date ng aktor, ngunit nilinaw niya na hindi niya pa boyfriend si Dominic, dahil sa ayaw niya muna umanong bigyan ng label ang estado ng relasyon nila ng aktor.

Image Credit via Google

Dagdag pa ni Bea, hindi niya pa rin alam kung saan mauuwi ang kanilang pagde-date ng binatang aktor, pero ibinahagi din niya na hindi niya isinasara ang kanyang puso para kay Dominic.

Image Credit via Google

Sa pakikipagchikahan nga ni Bea sa G3 san Diego, ay ibinahagi ng aktres kung ano palang sila ni Dominic ngayon, at kung bakit hindi niya agad isinapubliko ang naging pagdi-date nila.

Image Credit via Google

“No. Wala pa kmi. Ang hirap kasing sabihin, alam mo, parang in a way, as much as I don’t want to be prisoner of my past, meron din akong parang nahihiya ako sa mga tao na I’m 33, I am dating”, pahayag ni Bea.

Image Credit via Google

Dagdag pa ng aktres, “Hindi ko alam kung it will materialize into something else or like it would lead to something else but then, what if I fail again? I don’t want to keep failing in front of you guys, it’s embarrassing.

Matatandaan nga na ang mismong ina ni Bea ang nagsabi na pagdating sa pag-ibig ay “tanga” ang kanyang anak, dahil sa kapag ito ay nagmahal ay talagang bigay todo.

Marami din ang nakababatid sa atin na ilang beses ng nabigo sa pakikipagrelasyon ang aktres, kaya marahil ngayon ay dinadahan dahan niya muna ang lahat, at sinisiguro kung ang lalaki na kanyang iibigin muli ay ang tamang lalaki na para sa kanya.

Chika pa nga ng aktres, hindi niya pa talaga alam kung mauuwi bas a next level ang pagdi-date nil ani Dominic, pero hindi naman niya sinasara ang kanyang puso para rito.

Ayon pa kay Bea, kahit wala siyang boyfriend ngayon, ay masaya ang kanyang buhay. Ngunit aminado din siya na akala nga niya sa edad niya ngayon ay magpapakasal na siya. Pero dagdag ng aktres, saka na niya talaga ibabahagi ang kanyang buhay pag-ibig kapag sigurado na siya na ‘yun na talaga.




“Happy ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. I’m also a bit terrified because of all these decisions, everything is new talaga. “And to be honest, akala ko at 33 I would be married, but siguro kapag siguradong-sigurado na ako about that person, doon na ako magse share.”

Saad pa ni Bea, iba’t iba ang timeline ng buhay ng tao, at marahil darating din siya sa tamang pagkakataon na magkakapamilya siya, ngunit sa ngayon hindi pa nga siguro ito ang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *