Bea Alonzo Masayang Ibinahagi Sa Kanyang Vlog Ang Bagong Gym At Chapel Sa Kanilang Farm

Minsan ng ipinasilip sa publiko ng aktres na si Bea Alonzo ang malawak na farm na kanyang naipundar, kung saan ito nga ay tinawag niyang “Beati Firma” at itinuturing niya itong ‘haven’ ng kanyang buong pamilya dahil sa talaga namang isa itong nakaka-relaks at payapa na lugar.




Noong unang ibahagi ni Bea ang Beati Firma farm ay ipinasilip nga niya ang kanilang farm house, at iba pang mga bahagi ng naturang farm, kagaya na lamang ng kanilang malawak na manggahan, at maging ang mga iba’t ibang mga hayop na kanilang inaalagaan sa naturang lugar.

Image Credit via YouTUbe

At sa pinakabago ngang vlog na ini-upload ng award winning actress sa kanyang YouTube vlog ay panibago na naman ngang magandang balita ang inihatid ni Bea sa kanyang mga tagasubaybay, at ito nga ay pagpapatayo niya sa loob ng kanyang farm ng chapel at ang pagkakaroon niya ng gymna halos kumpleto nga sa mga gym equipment’s.

Image Credit via YouTUbe

Ayon sa aktres, dahil sa pagsiklab ng krisis sa bansa kung saan hindi nga halos nakakalabas ang marami sa atin at di na rin gaanong nakakasimba gawa ng takot na makakuha ng nakakahawang karamdaman sa labas ay minabuti nga ni Bea at ng kanyang pamilya na magpatayo ng chapel sa loob ng kanilang farm.

Image Credit via YouTUbe

Saad pa ni Bea, hindi lamang nga para sa kanilang pamilya ang chapel na kanyang ipinatayo kundi maging sa tao rin nila sa farm.Tunay namang kamangha-mangha sa ganda ang ipinatayong chapel ni Bea sa loob ng kanyang farm, at masasabi ngang pinag-isipan ng mabuti ng aktres ang plano at magiging disenyo nito na naayon sa kanyang gusto.

Image Credit via YouTUbe

Video Credit via YouTube

Mapapansin nga na ang chapel ay napapalibutan ng mga luntiang halaman at puno, kaya tila nga ikaw ay nasa isang Paraiso.Maliban pa nga sa chapel, ay masaya ring ibinahagi ni Bea na mayroon na ring gym sa farm nila, kaya naman ang kanyang pamilya ay hindi na kinakailangan pa ang lumabas upang mag-ehersisyo. Makikita nga sa loob ng gym na ito sa Beati Firma na halos kumpleto ito sa mga gym equipment’s, at mayroon ding TV sa loob ng gym.




Bago naman tinapos ng aktres ang kanyang vlog kung saan ipinasilip niya ang gym at chapel na kanyang ipinagawa sa loob ng kanilang farm, ay ibinahagi rin niya lahat ng ipinapatayo at inilalagay niya sa Beati Firma ay talagang pinag-iisipan niya. Dagdag pa niya, patuloy din nilang dine-develop ang kanilang farm.
“Our farm is work on progress lagi kaming may bagong dinedevelop and that’s what nice on having a farm”, ni Bea.

Leave a Reply

Your email address will not be published.