Bea Alonzo Pinangalanan Ang Aktor Sa Showbiz Na Kanyang Naging Ultimate Crush

Inamin ng aktres na si Bea Alonzo, na bago pa man siya mapasok sa showbiz at maging isang artista, ay mayroon na siyang aktor na talaga namang hinahangaan. At ang ultimate crush nga na ito ni Bea, ay walang iba kundi ang gwapong aktor, na si Jericho Rosales.




Marami sa atin ang nakakabatid na si Bea Alonzo, ay ang loveteam noon ng aktor na si John Lloyd Cruz. Ang tambalan nila, ay talaga namang patok na patok sa mga manonood, kaya naman ilang mga pelikula at proyekto ang kanilang pinagsamahan noon.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Ngunit sa kabila nga ng pagiging magkatambal nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, ng halos ilang taon, ay hindi naman nagkaroon ng anumang spesyal na tinginan o relasyon ang dalawa, at nanatiling magkaibigan lamang.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Samantala, kamakailan lamang ay isa si Bea sa mga artista, na nakapanayam ng dermatologist-to-the-star na si Aivee Teo, kung saan ay kinakailangan sagutin ng aktres ang mga magiging katanungan nito sa kanya, kahit pa nga ito ay patungkol sa kanyang personal na buhay.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Isa sa mga naging katanungan ni Aivee Teo, kay Bea ay kung ang aktres ba ay may idene-date ngayon? Na agad namang binigyang tugon ni Bea na; “Actually, natanong na ‘to sa Q & A sa vlog ko and then I said na right now parang I’m open to dating and also to being happy na parang to me, life is too short.”

Photo Credit: jerichorosalesofficial/Instagram

Naitanong rin sa aktres, kung na-fell in love bai to noon sa kanyang katambal na si John Lloyd, at ang naging sagot nito ay; “Yes. I’m always in love with him. I feel like our partnership will never work if I was not in love with him. So nandu’n lagi ‘yun.”

Photo Credit: jerichorosalesofficial/Instagram

Sa nasabing panayam rin ay inamin ni Bea, na sa ngayon ay mayroon siyang nakaka-date, ngunit ito naman ay hindi pinangalan ng aktres.




Ibinahagi rin ni Bea sa panayam sa kanya ni Aivee Teo, na hinahangaan niya talaga ang aktor na si Jericho Rosales, at ito talaga ay ang kanyang ultimate crush sa showbiz.

“Si Jericho Rosales, super crush ko siya ever since. Tawag ko sa kanya ‘crush’ and he knows about that. He’ s so nice, he’s so talented. Before, ako naging artista, fan talaga ako ng Jericho – Kristine (Hermosa) tandem.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *