Bea Alonzo Pinuri Ng Mga Netizens Dahil Sa Kanyang Elegant Look Ng Maging Bridesmaid Sa Kasal Ng Kaibigan

Maliban sa pagiging isang aktres ay isa na ring vlogger ngayon si Bea Alonzo, kung saan ay talaga namang marami ang nag-aabang sa bawat updates niya sa kanyang YouTube channel o maging sa social media account niya. Tunay naman kasing nakaka-inspire ang buhay ni Bea,




kaya naman marami ang sumusubaybay sa kanya. Ilan nga sa mga netizens ay hindi lamang inaabangan ang mga bago niyang proyekto, kundi maging ang mga travel, adventure, adulting tips at maging mga OOTD’s ng aktres na bagay na bagay sa kanya ay inaabangan din ng marami.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Samantala, isa naman sa mga pinakabagong update ni Bea sa kanyang social media account kamakailan lamang ay ang pagdalo niya sa kasal ng isa sa mga kaibigan niya. At sa mga larawan na ibinahagi niya ay kaagad nga siyang umani ng paghanga mula sa marami dahil sa kanyang classic beauty na mas lalo pang kuminang sa kanyang suot na minimalist bridesmaid gown.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Ayon sa lumabas na ulat, ang naturang minimalist bridesmaid gown na suot ni Bea sa kasal ng kaibigan niya ay gawa ng fashion designer na si Neric Beltran, na kaibigan rin nga ng aktres. Si Neric umano ang madalas na gumagawa ng mga gown ni Bea lalo na ang mga ginagamit nito sa iba’t ibang mga okasyon.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Mapapansin naman sa larawang ni Bea na maliban sa kanyang minimalist gown ay nakadagdag pa nga sa pagiging elegant minimalist look niya ang isang tennis necklace na mula sa JMA Jewelry. Ang gamit naman niyang bag ay ang tinatawag na Siren wristlet bag na ang local designer ay si Bea Valdes.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Kuha nga umano ang napakagandang larawan na ito ng award-winning actress ng siya ay dumalo sa kasal ng kaibigan niyang si Chloe Collings. Maliban sa papuri ng mga netizens sa taglay na kagandahan ni Bea, ay marami rin sa mga ito ang hindi naiwasang kiligin, dahil sa kasama nga ng aktres ng araw na iyon sa nasabing okasyon ang kanyang nobyo na si Dominic Roque na isa ring kilalang aktor sa mundo ng showbiz.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram




Hindi naman naiwasan ng ilang mga netizens na mas ma-excite pa na makita si Bea na magsuot na rin ng kanyang wedding gown, dahil kung sa bridesmaid gown nga nito ay talagang napakaganda na niya ay mas lalo pa marahil kapag wedding gown na ang suot ng aktres. Hiling nga ng ibang mga tagahanga ng aktres na sana ay ang nobyo na nga nitong si Dominic ang maging ‘The One’ sa buhay ng kanilang idolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.