Bea Alonzo May Suportang Natanggap Sa Kaibigan Niyang Si Derek Ramsey

Hindi biro ang pinagdaanan ng mga taong niloko, sinaktan at pinagpalit sa iba ng taong inalayan nila ng kanyang puso at pag-aaruga. Masakit isipin na sa kabila ng lahat ng iyong ibinigay ay susuklian lamang ng pagtataksil. Madalas itong nangyayari sa totoong buhay ng mga ordinaryong tao. Ngunit bilang mga tao rin, nangyayari rin ito sa mga iniidolo nating artista at sa katunayan, mas madalas ngang mangyari sa kanila ang mga ganitong sitwasyon dahil mas marami ang tukso na nakapaligid sa mundo ng showbiz.

Photo Credit: @ramsayderek07/Instagram
Photo Credit: @ramsayderek07/Instagram




At ito nga ang di umano’y pinagdadaanan ng aktres na si Bea Alonzo. Nitong nakaraan lamang ay naging laman ng balita at ng social media si Bea Alonzo at ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson. Nagsimula ang lahat ng ito nang mag-post si Bea sa kaniyang Instagram account ng isang “cryptic message” na may cryptic caption.

Dahil dito, nagkaroon ng spekulasyon ang maraming netizens tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang boyfriend noon na si Gerald Anderson. Dito na rin naglabasan ang mga litrato nina Gerald Anderson kasama ang di umano’y dahilan ng hiwalayan nina Bea at Gerald na si Julia Barretto.

Photo Credit: @ramsayderek07/Instagram

At nito nga lamang ay umamin na si Gerald na nililigawan na niya raw si Julia Barretto. Sa ilalim ng pinagdadaanan ni Bea Alonzo, hindi lamang mga taga-suporta at taga-hanga niya ang nagpaabot ng mga pampalubag loob sa kaniya kundi pati na rin ang kanyang mga kaibigan sa showbiz. Isa na sa mga nagbigay ng mga mensahe sa nasaktan artista ay si Derek Ramsay. Si Derek ay ang dating leading man ni Bea Alonzo.

“One of the strongest, smartest and talented women i know. You are amazing @beaalonzo Keep smiling!!!!!!”Nang may isang netizen ang nag comment nang hindi medyo maganda sa kanyang post, agad itong binara at sinaway ni Derek. Bagama’t ganito ang pinagdadaanan ni Bea, nalaman niya namang may mga taong nagmamahal pala sa kanya ng totoo.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *