Beauty Gonzales At Norman Crisologo Hindi Naging Sagabal Ang 25-Years Age Gap

Si Crhristine Marie Beauty Luche Gonzalez sa tunay na buhay o mas kilala ng publiko bilang ang aktres na si Beauty Gonzales ay unang nasilayan ng publiko sa telebisyon ng siya ay maging isa sa mga housemate’s ng Pinoy Big Brother Teen Edition ng ABS-CBN, kung saan ay nakamita niya ang pagiging ika-apat na finalist.




Bago pa man sumabak sa pag-aartista ang tubong Cebu na si Beauty, ay napabilang muna siya noon sa Cebu’s 12 Prettiest Teens, at kinoronahan bilang Miss Teen Philippines – Central Visayas taong 2006.

Photo Credit: beauty_gonzalez/Instagram

Samantala, matatandaan na noong taong 2007 ay ikinasal si Beauty Gonzales sa isang businessman at art curator na si Norman Crisologo.

Photo Credit: beauty_gonzalez/Instagram

Naging usap-usapan ang pagpapakasal ng aktres kay Norman, dahil maliban sa ito ay kasal na sa dating aktres na si Max Eigenman at mayroong dalawang anak, ay malaki rin ang agwat ng edad nila sa isa’t isa. Nang ikasal ang si Beauty at Norman, ay 29-taong gulang lamang ang aktres, at si Norman naman ay 55-taon na kung kaya naman ay nasa 25-taon ang agwat ng edad nila sa isa’t isa.

Photo Credit: beauty_gonzalez/Instagram

May mga nagsabi pa nga noon na baka pera lamang ni Norman ang habol ni Beauty dito kaya ito’y pinakasalan ng aktres. Ngunit pinatunayan ni Beauty sa lahat na tunay at totoo ang pagmamahal niya sa kanyang asawa at sa kabila nga ng malaking agwat ng edad nila sa isa’t isa kailanman ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan.

Photo Credit: beauty_gonzalez/Instagram

Sa naging panayam nga noon ng mag-asawa, ay sinabi nila na isa sa mga masasabi nilang nagpatibay ng kanilang relasyon ay ang kanilang malaking age gap sa isa’t isa.
Para naman sa aktres na si Beauty Gonzales, ay malaki ang nabago sa kanyang buhay ng nakilala niya si Norman, lalo na’t ito ang kanyang naging katuwang at mentor sa lahat ng bagay.

Photo Credit: beauty_gonzalez/Instagram

“My whole life changed when I met Norman. Maraming nangyari sa career ko. He’s my mentor. He’s my everything. That was one of the biggest changes, na-uplift yung career ko when I met him. I’m happy he came at the time, he guides me very well kasi we really help each other”, ang naging pahayag nga ni Beauty noon sa isang panayam nito.




Ngayon ay patuloy na masaya at matatag ang pagsasama ng mag-asawang Beauty at Norman. At ang kanilang pagmamahalan ay mas tumibay pa ng dumating sa kanilang buhay ang kanilang anak na si Olivia, na isinilang nig aktres noong taong 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *