Beauty Gonzales Ipinasilip Ang Naging Masayang Bakasyon Kasama Ang Anak Na Si Olivia Sa Paris

Bago pa man sumabak muli sa kanyang bagong proyekto sa GMA-7 network ang actress na si Beauty Gonzales, ay nagkaroon muna ito ng bakasyon, kung saan ito ay kanyang sinulit na makasama at maka-bonding ang kanyang unica hija na si Olivia.




Kamakailan nga lamang ay naisipan ni Beauty at ng kanyang pamilya na magbakasyon sa isa sa mga inaasam-asam na mapuntahan ng marami, at ito nga ay ang City of Lights, sa Paris.

Photo Credit: beauty_gonzalez/Instagram

Sa Instagram account ng aktres ay kanyang ibinahagi ang naging masayang bakasyon nila sa bansang Paris, kung saan makikita ang muling pagbisita niya sa Disneyland Paris. Sa pagkakataon nga na ito ay kasama n ani Beauty ang anak niyang si Olivia, na kita naman na nag-enjoy sa naging pamamasyal nila sa naturang lugar.

Photo Credit: beauty_gonzalez/Instagram

“The Wisdom of the Ages seeps through these walls and fills every pore in my body with gratitude and peace. What a beautiful, wondrous place. So happy I got to experience this with my curious child.”

Photo Credit: beauty_gonzalez/Instagram

Ang Disneyland Paris ay para naman talaga sa mga batang tulad ni Olivia, kaya naman, talagang isinama ni Beauty ang unica hija niya sa nasabing lugar upang sa ganun ay makapag-enjoy ito at muli ngang may mabaong magandang karanasan sa kanyang pagkabata.

Photo Credit: beauty_gonzalez/Instagram

Lingid naman sa kaalaman ng marami sa atin na talagang mahilig mag-travel si Beauty at ang kanyang art collector husband na si Norman Crisologo kasama ang kanilang anak.

Aminado ang aktres na bagama’t hilig niya ang pagta-travel ay masasabi niyang talaga namang nakakapagod ito, ngunit sa kabila ng pagod kanyang mga nagiging byahe, ay masasabi naman niyang sulit ang lahat ng ito dahil sa mga karanasan at masasayang alaala na nabubuo niya sa lahat ng mga travel ginagawa niya o nilang magpamilya.

“Loving Life But needing a rest, this having fun thingy is tiring, Laughing and screaming for joy is a workout, it presses all the buttons on your body. I may need a vacation from this vacation but I’m not complaining, I’m the happiest AND luckiest girl in the world. Life is BeautyFul.”

Naibahagi rin ni Beauty na ng mamasyal sila ng kanyang unica hija na si Olivia sa Disneyland Paris ay talaga namang nakita niya sa kanyang anak kung gaano ito nag-enjoy at nasiyahan, lalo na nga subukan nila ang iba’t ibang mga rides at pasyalan nila ang Arts Galleries at Museum ng Paris.




“Survived two whole days in Disneyland Paris as part of an ex deal with Olivia, She endures the countless Art Galleries and Museums that Paris has to offer, we ride every possible ride we could possibly ride! And ride I did, twisty turny upsy daisies, Downy loudy 3D droppy. Phew… I rode them all. I fought my natural scaredy cat-ness and Even managed to impress myself, Good job Mama!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *