Beauty Queen Actress Na Si Wynwyn Marquez Isa Sa Mga Tumulong Na Mapagawan Ng Playground Ang Mga Bata a Tawi-Tawi

Dahil sa kinahaharap na pagsubok ng ating mundo ngayon, ay maraming mga tao ang talaga namang apektado at ramdam ang labis na kahirapan. Ngunit sa kabila nito, ay mayroong mga tao, na hindi naman alintana, na magbigay ng tulong sa kanilang kapwa, kahit ito’y simpleng mga bagay lamang, ay nakakapaghatid naman sa mga ito ng kasiyahan.




Tunay ngang sa mga nangyayari ngayon, ay hindi lamang mga matatanda ang nahihirapan, kundi maging ang mga bata ay dama na rin ito, lalo pa nga’t malaki ang naging pagbabago sa takbo ng ating pamumuhay ng nararanasan nating krisis ngayon.

Photo Credit: teresitassen/Instagram

Maliban nga sa pag-aaral ng mga kabataan, isa pa sa labis na naapektuhan ng krisis sa buhay ng mga kabataan, ay ang kanilang malayang pakikipaghalubilo at pakikipaglaro sa kanilang kapwa kabataan sa labas ng kani-kanilang tahanan.

Photo Credit: teresitassen/Instagram

Samantala, upang kahit papaano nga ay mabigyan ng sigla muli ang mga kabataan sa isang lugar sa Tawi-Tawi, ay isang palaruan ang itinayo, kung saan katulong sa pagpapatayo nito ang beauty queen-actress na si Wynwyn Marquez.

Photo Credit: teresitassen/Instagram

Kasama nga ang kanyang mga kasamahan sa Navy, ay nagtungo sa Tawi-Tawi si Wynwyn, ito ay upang maghatid at magbigay ng tulong para sa mga taong nangangailangan at naninirahan doon.

Photo Credit: teresitassen/Instagram

At maliban nga sa inihatid nilang tulong sa mga tao roon, ay tumulong din sina Wynwyn, sa pagpapatayo ng bagong palaruan para sa mga kabataan.

Photo Credit: teresitassen/Instagram

Sa Instagram account ni Wynwyn, ay makikita ang kanyang naging pagbabahagi ng mga larawan, sa kung paano siya sumali sa Marine Battalion Landing Team-6 (MBTL-6), sa pamimigay at pamamahagi ng mga pagkain, tsinelas at laruan sa mga bata.

Photo Credit: teresitassen/Instagram

Ibinahagi rin niya, na ang nasabing palaruan na itatayo, kung saan siya ay magbibigay tulong ay matatagpuan sa isang barangay sa Tawi-Tawi, at ito nga ay ang Brgy. Parang Lantay, Languyan.

Photo Credit: teresitassen/Instagram

Kalakip nga ng mga larawan na ito, ay ang bahagi ng caption ni Wynwyn, kung saan ay kanyang sinabi na; “Kung kayang tumulong, dapat tumulong..”

Batid nga natin na bilang isang beauty queen-actress ay maraming pinagkaka-abalahan sa kanyang career si Wynwyn, ngunit sa kabila nito at sa ipinapatupad na paghihigpit ngayon sa pagbabyahe, ay nagawan pa rin niya ng paraan na magampanan ang kanyang resposibilidad bilang isang Marine Reservist.




Ibinahagi rin ni Wynwyn ang ilang mga bagay na ibinigay nila sa mga bata sa nasabing lugar, na labis na nagbigay kaligayahan sa mga ito, tulad na lamang nga ng mga cupcakes, sopas, tsinelas, laruan at candy.

Matatandaan na noong Nobyembre ng nakaraang taong 2020, ng matapos ni Wynwyn Marquez ang kanyang training bilang isang Marine reservist sa ilalim ng pamunuan ng Philippine Naval reserve Command.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *