Bela Padilla Ibinahagi Kung Paanong Nabihag Ng Kanyang Swiss Boyfriend Ang Kanyang Puso

Normal lang sa mga kababaihan ang magkaroon ng ‘standards’ pagdating sa mga lalaki na nagnanais na makamit ang kanilang matamis na “oo”. Ang babaeng alam kong ano ang kanyang halaga, ay sila ang mga babaeng nagkakaroon ng standards pagdating sa kanilang mga manliligaw.




Samantala, isa sa mga aktres ngayon na mayroong masayang buhay pag-ibig ay si Bela Padilla, at nito nga lamang nakaraan ay ibinahagi niya kung paano ang naging simula ng relasyon nila ng kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay.

Image Credit via Google

Sa naging panayam noon kay Bela, ay naikuwento niya na nagkakilala sila ng kanyang kasintahan ng gawin niya ang pelikulang “Meet Me in St. Gallen” sa Switzerland.
Ayon sa kanya, tila nga naman pinagtagpo sila ni Norman ng tadhana, dahil kung kailan huling araw na niya sa ST. Gallen, ay doon naman sila nagkakilala ni Norman. Dagdag na pahayag pa ni Bela, ng mga panahon na ‘yon ay nag-aaral ang kanyang kasintahan sa St. Gallen.

Image Credit via Google

Pahayag ni Bela, ng makilala niya ang nobyo ay dapat paalis na siya kinabukasan sa St. Gallen para magtungo sa Zurich ng mag-isa dahil sa ng mga panahon nga na ‘yon ay may pinagdadaanan siya.

Image Credit via Google

Chika pa ng aktres, noong nakilala niya si Norman ay marami siyang natutunan, at marami rin nag kanilang agad ay napag-usapan. Agad din daw siyang pinakilala nito sa mga kaibigan nito sa Switzerland.

Image Credit via Google

Noong mga panahon nga na iyon, pakiramdam ni Bela ay nais na niyang laging kasama si Norman, dahil nga sa bawat sandal na kausap niya ito ay marami siyang mga bagay na natutunan. Isa nga ito sa kanyang ikinatutuwa kapag kausap niya si Norman, dahil sa mga bagong bagay na natutunan niya sa binata na naibabahagi rin niya sa iba.

Image Credit via Google

Inamin naman ng aktres, na kahit hindi pa sila nagkaka-ibigan ni Norman, ay nahulog na ang loob niya sa binata sa mahigit isang taon at kalahati nilang pagkakakilala.
Hindi naman maikakaila na napakagwapong binata rin ni Norman, at ayon nga kay Bela ay wala itong kamukha sa kanyang mga naging karelasyon noon.




Ibinahagi rin ni Bela, kung bakit sa kabila ng pagkakalayo nila sa isa’t isa ay nanatiling matatag ang kanilang relasyon. At ayon nga sa aktres, isa sa mga pinakaunang dahilan marahil ay ang malaking pagkakatulad nila ni Norman at ang ginagawa nilang pag-intindi sa isa’t isa kahit na nga sila ay magkalayong dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *