Bettina Carlos Ikinasal Na Hindi Lang Isa Kundi Dalawang Beses Pa Sa Kanyang Fiancé Na Si Mikki Eduardo

Ikinasal na nga si Bettina Carlos sa kanyang non-showbiz fiance na si Mikki Eduardo. Sa naging pagpapakasal ngang ito ng aktres.




Matatandaan na si Bettina Carlos, ay isa sa mga dating star ng GMA Network, kung saan ay isa rin siya sa co-host ng cooking show na Idol sa Kusina. Maliban pa sa mga ito, ilang mga teleserye rin ang kanyang kanabilangan, at ilan nga sa mga ito ay ang “Sa Piling ni Nanay Mo, Because of You, at My Husband’s Lover.”

Photo Credit: abettinnacarlos/Instagram

Ngunit sa kabila ng namamayagpag niyang karera bilang isang artista, ay ay mas pinili ni Bettina na mag-pokus sa kanyang baking at restaurant business, kaya naman ang aktres ay halos nasa 3-taon ng hindi aktibo sa industriya ng showbiz.

Photo Credit: abettinnacarlos/Instagram

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Bettina Carlos, na siya ay engage na sa kanyang kasintahan na si Mikki Eduardo, kung saan ay ipinagpasamat ng aktres, ang naging pagdating nito sa kanyang buhay, at naging pagtanggap at pagmamahal nito sa kanyang anak na si Gummy.

Photo Credit: abettinnacarlos/Instagram

At nito nga lamang nakaraan, ika-2 ng Disyembre 2020 ay masayang ibinahagi ni Bettina Carlos, na siya at si Mikki ay ikinasal na, hindi lang isa kundi dalawang beses pa, sa parehong araw ding iyon sa Tagaytay Highlands.

Photo Credit: abettinnacarlos/Instagram

Sa Instagram post ni Bettina noong Miyerkules ng gabi, ay inanunsyo nito ang wedding ceremony ng kanilang naging kasal ay ginanap sa garden na may view ng napakagandang tanawin ng Taal Lake, at ang reception nga nito ay nasa katabing cabin na mayroong function room.

Photo Credit: abettinnacarlos/Instagram

Wala namang direktang nabanggit ang aktres, kung saan naganap ang seremonya ng kanilang ikalawang pagpapakasal, pero tila ito ay nangyari sa nasabing function room.

Photo Credit: abettinnacarlos/Instagram

Sa larawan ngang ibinahagi ni Bettina, ay makikita ang kanyang labis na kaligayahan, sa naging pagpapakasal nila ng kanyang kasintahang si Mikki. Kalakip nga ng larawan ay ang caption ng aktres na;

“For some reason I knew in my heart I was going to get married this year…
“BUT I did not expect it to TWICE and on the same day. “Thankfully to the same man.




Maliban pa nga rito, ay nagbahagi rin si Bettina ng isang Bible Verses, na siyang naging daan rin ng aktres upang maipahiwatig ang kanyang labis na kaligayahan na maka-isang dibdib ang lalaking kanyang minamahal at itinuring niyang best friend.

“It will be no longer said to you, Forsaken, ‘Nor to your land will it any longer be said, Desolate; but you will be called, ‘My delight is in her, And your land, ‘Married; For the Lord delights you, And to Him your land will be married.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *