Maraming mga celebrity ang nahihilig ngayon sa surfing, at makikita natin sa kani-kanilang Instagram account ang mga magaganda at kahanga-hangang ‘Instagrammable photo’ nila habang sila nga ay nakasakay sa surfing board.
Ngunit, hind inga naman lahat ng nagnanais na mag-surf ay nagagawa ang isang ‘perfect photo’ habang sila ay nakasakay sa surfing board, at ito nga ay pinatunayan kamakailan lamang ng aktres na si Bettinna Carlos, matapos nga niyang ibahagi ang mga nakakaaliw niyang larawan habang siya’y nagse-surfing.

Sa kasalukuyan nga ay naninirahan si Bettinna, sa La Union, kung saan ay kasama niya rito ang kanyang anak na si Amanda Lucia na kung tawagin nga niya ay si ‘Gummy at ang asawa niyang si Mikki Eduardo. Ang probinsya ng La Unino kung saan naninirahan ngayon sina Bettinna, ay kilala bilang ‘surfing capital of Luzon’s west coast’, kaya naman malapit din ang loob ng slash TV host sa kalikasan lalo na nga napakagandang beach ng nasabing lugar.

Isa nga si Bettinna ngayon sa mga pinagkaka-abalahan ang pagsi-surf, kasama ang kanyang asawa na si Mikki, kung saan ito mismo ang nagtuturo sa kanya.
Makikita sa Instagram account ni Bettinna kamakailan lamang ang pagbabahagi niya ng mga ‘candid photo’ niya habang siya ay nagsi-surfing, at sa mga larawan ngang ito ay makikita kung paano siya nahirapan sa pananatili sa ibabaw ng surfing board niya.

Talaga namang patok na patok sa mga netizens ang mga larawan na ibinahagi ni Bettinna, lalo na nga’t nakakatuwa ang kanyang mga reaksyon at ekspresyon.
Hindi naman napigilan ni Bettinna na ikumpara ang kanyang mga larawan sa larawan ng ibangmga artista na kakilala niya na achieve na achieve ang magandang larawan habang nagsi-surf.

“Hindi pala nakaka-glamorous ang surfing! Bakit ‘yung mga friends ko gaganda. Poise na posie! Swabeee”, ang naging captions ni Bettinna sa kanyang post. Marami namang mga netizens ang agad na napa-komento sa post na ito ni Bettinna, at marami nga sa mga komento ng mga ito ay mga laughing emojis na nagpapahiwatig nga kung gaano naaliw ang mga ito sa larawan ng slash TV host. “OK naman. Cute” “Expectations vs reality”
“Ganda pa din” “Super pretty pa din”