Bianca Gonzale Masayang Ipinasilip Ang Pagpapatuloy Ng Kontruksyong Ng Kanilang‘Dream House’

May bagong project ngayon ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzales at asawa niyang si JC Intal. At ito nga ay ang pagpapagawa nila ng kanilang ‘dream house’ na ayon sa mag-asawa ay buwan ng Setyembre taong 2018 pa ng kanilang pasimulang ipatayo sa may South area ang lokasyon.




Ayon nga kay Bianca, ang naturang bahay na kanilang ipinapatayo ay mas malaki kumpara sa kasalukuyang bahay kanilang tinitirhan sa ngayon. Ngunit ang bahay na kanilang tinutuluyan sa ngayon ay ang mismong bahay na ipinagawa ng kanyang asawang si JC bago pa man ito mag-propose sa kanya.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Makikita sa IG post ng PBB host ang pagigging proud wifey niya sa kanyang asawang si JC, dahil naging handa nga ito sa pagbuo ng pamilya, lalo’t may sarili na itong bahay para sa pamilya ng sila nga ay ikasal.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Pagbabahagi pa ni Bianca, maganda ang bahay na ipinagawa ng asawa ngunit marami umano silang nakita na dapat ayusin at i-improve dito, halimbawa na nga lamang ay ang kwarto para sa kanilang mga anak at kusina na tila nga maliit ang sukat. Wala rin umanong maayos na ventilation ang unang bahay na naipagawa ni JC.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Kaya naman naisipan nila na muling bumuo ng tahanan para sa kanilang pamilya, at ito na nga ay ang kanilang ‘dream house’ kaya naman mas naging mabusisi silang mag-asawa. Sinigurado na rin nila na ang mga naging pagkakamali sa unang bahay ay na-improve na nila, kagaya na nga lamang ng mas napalawak na nila ang sukat ng mga kwarto ng mga bata at ng kusina.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Maliban pa dito ay pinag-isipan ring mabuti ng mag-asawang Bianca at JC ang magiging disenyo ng kanilang sala at kusina, dahil ayon nga sa kanila ay matagal ang magiging pagtira nila sa kanilan ‘dream house’ kaya naman talagang kailangan na ito ay maganda at nakaka-relaks para sa kanila.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Bago pa man nga umano itayo ang pundasyon ng kanilang ‘dream house’ ay hindi nakalimutan ni Bianca na lagyan ng barya ang ilalim ng lupa kung saan itatayo ang kanilang bahay. Kung saan ayon nga sa host, ay isa ito sa mga pamahiin na ginawa ng maraming mga Pilipino noon at hangganga ngayon.

Ayon nga sa mga eksperto patungkol sa mga pamahiin, ang gawain na paghuhulog ng barya sa lupa kung san ititirik ang bahay ay nakatutulong upang mapanatili ang yaman ng pamilya at upang hindi rin sila magkulang sa pangangailangan nila.

Sa naging bagong update nga ni Bianca sa tahanan na ito na kanilang ipinapagawa, ay makikita ng malaki na ang ‘improvement’ ng konsttraksyon nito kung saan ito nga ay isang bahay na mayroong dalawang palapag.




Kumpleto na nga ang lahat ng mga pader ng naturang bahay, at ipinasilip din ni Bianca na malawak na ang kitchen nito, kaya naman excited na rin siyang matapos ito dahil siguradong isa ang kitchen area nila sa palaging tatambayan nila ng kanyang mga chikiting para mag-bonding.

Sigurado naman na magiging maganda na talaga ang ‘dream house’ na ito ng mag-asawang Bianca at JC, dahil sa simula pa lamang ay naging hands-on na silang mag-asawa dito, mula nga sa naging pagpaplano hanggang sa pagkonstrak nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *