Bianca King Proud Na Ibinahagi Na Sa Living Room Ng Kanilang Bahay Sila Ikinasal Ng Kanyang Asawa

Ang maikasal sa taong labis na iyong minamahal at nais mong makatuwang sa panghabang-habang buhay ang isa sa pinapangarap ng maraming mga kababaihan.




Marami nga sa mga kababaihan ay talaga namang nangangarap na maikasal sa ‘dream wedding’ na nais nila, kung saan ito ay magarbo at bongga, ngunit may ilan naman na mas pinipili na maging simple ang seremonya ng kanilang kasal, dahil sa ang pinakamahalaga nga lang naman sa espseyal na araw na ito ay ang makaisang dibdib ang taong iyong minamahal.

Photo Credit: bianca_king/Instagram

Tunay nga naman sa pagdating sa usaping kasal, ay hindi naman mahalaga ang engrandeng pagdiriwang dahil ang mas mahalaga ay ang kasiyahan at sumpaan sa isa’t isa ng dalawang taong nagmamahalan.

Photo Credit: bianca_king/Instagram

At ngayon ngang panahon ng krisis, ay hind inga pinapayagan ang magkaroon ng magarbong handaan na dadaluhan ng maraming mga bisita, kung kaya naman karamihan sa nagpapakasal ngayon ay mas pinipili na lamang na maging simple ang kanilang kasal basta’t mabigyan lamang ng basbas ng Diyos ang pagsasama nila kanyang minamahal.

Photo Credit: bianca_king/Instagram

Sa kabila naman ng kasimplehan ng ilang mga kasalan na naganap ngayong panahon ng krisis, ay marami pa rin ang nakapagpakasal na sa kabila ng wala masyadong bisita para na rin sa kaligtasan ng lahat ay nagawan pa rin ng paraan na maging engrande tingnan ang kanilang kasal,

Photo Credit: bianca_king/Instagram

sa pamamagitan nga lamang ng kanilang malawak na imahisnasyon. Ang iba nga kahit sa simpleng lugar lamang ikinasal ay nagagawa itong mukhang engrande. Halimbawa na nga lamang nito ay ang naging pagpapakasal ng dating aktres na si Bianca King, kung saan kamakailan nga lamang ay ipinasilip niya ang naging kaganapan sa pag-iisang dibdib nila ng kanya ng asawa ngayon na si Ralph Wintle.

Makikita sa Instagram account ni Bianca King noon lamang ika-4 ng Hunyo araw ng Biyernes ang naging pagpapasilip nito ng naging kasal nila ng asawa, na ayon nga sa dating aktres sila ay ikinasal sa Sydney, Australia at ito nga ay naganap lamang sa loon ng kanilang tahanan sa living area nila.

“Married in our living room”, ang caption na inilakip ni Bianca sa wedding photo nila.
Bumuhos naman ang maraming pagbati para sa dating aktres at sa asawa na nga nito ngayon na si Ralph. Para naman sa kaalaman ng lahat, ang mister na ngayon ni Bianca na si Ralph ay kapatid ng asawa ng aktres na si Iza Calzado, na si Ben Wintle.

Mainit naman ang naging pagtanggap ni Iza Calzado sa dating aktres na si Bianca King, na ngayon nga ay kabilang na rin sa miyembro ng kanilang pamilya. Sister-in-law na ngayon ni Iza si Bianca. “Welcome to the family!!!!”, mensahe ni Iza para kay Bianca.

Maliban kay Iza ay ilan pa ngang mga kaibigan ni Bianca sa showbiz ang nagpa-abot ng maligayang pagbati na mensahe para sa naging pagpapakasal ng dating aktres, kabilang na nga rito sina Maxene Magalona, Marielle Padilla, Raymond Gutierrez at Iya Villania.

Ang iba namang mga netizens ay nagkomento ng kanilang kasiyahan para sa newly wed, at natuwa din ang mga ito kung gaano ka-proud si Bianca King na ibahagi na sa living area naganap ang pag-iisang dibdib nila ng kanyang asawa.

Samantala, sa IG story naman ni Bianca ay kanyang ibinahagi ang mga naging paghahanda niya para sa kanyang kasal, na ayon nga sa kanya, ang tanging inasikaso lamang niya sa living room wedding nila ay ang photographer at hairstylist dahil sa siya mismo ang gumawa ng set-up sa mismong ayos ng living area nila para maging kaaya-aya ang lugar para sa nasabing okasyon. Siya din umano mismo ang nag-ayos ng mga bulaklak, at nag-makeup sa kanyang sarili.

Ibinahagi rin ni Bianca na ang malapit niyang kaibigan na si Mari Jasmine ang isa sa maraming ginampanang role sa kanyang kasal, dahil sa maliban sa nag-iisa itong guest na babae, ay tumayo rin itong witness to bridesmaid, maid of honor.




Sa kabila naman ng naging simpleng kasal ni Bianca at Ralph na ginanap nga lamang sa kanilang living area, ay makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ng dating aktres sa kanyang IG kung gaano sila kasaya na ngayon ay napag-isa na nga silang dalawa. Masisilayan rin sa bawat larawan kung gaano ka-wagas at ka-tamis ang pagmamahal nila sa isa’t isa, base na rin sa mga ngiti nila.

Matatandaan na si Bianca King ay isa sa mga mahuhusay na aktres noon sa showbiz. Nagsimula siyang makilala sa mundo ng showbiz ng sumali siya sa reality talent competition ng GMA-7 na StarStruck noong taong 2004. Ang kanya ngang pangalan ay mas lalo pang nakilala nang mapabilang siya sa fantaseryeng “Mulawin” kung saan ay gumanap siya bilang si Aviona.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *