Bida Ng Mara Clara Noon Na Sina Judy Ann Santos At Gladys Reyes Parehong Mayroon Ng Negosyo Sa Food Industry

Isa nga naman sa patok na negosyo ngayon ay ang food industry, sapagkat alam nating lahat na tayong mga Pinoy ay talagang nahihilig sa pagkain kaya marami sa atin ang talagang tumatangkilik sa mga negosyo na tungkol sa pagkain.

Image Credit via Google

 




Marami na sa ating mga kilalang sikat na personalidad at mga artista ang unti-unti na ring nagsisimulang mag-invest sa mga negosyo, upang gamitin ang kanilang perang kinikita sa tamang pamamaraan at pagpapalago pa nito.

Image Credit via Google

Kabilang na nga sa mga artistang ito ay ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, at maging sina Christopher Roxas at Gladys Reyes, at ang kanilang negosyo ay parehong pasok sa food industry.

Image Credit via Google

Alam nating lahat na ang beterano ng aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo ay talagang mahilig sa pagluluto, kaya noong 2006 ay nag-aral ito sa isang culinary school sa Center for Asian Culinary Studies (CACS) at ang kanyang naging guro ay si Chef Gene Gonzales. Maging ang asawa ni Judy Ann na si Ryan ah kumuha rin ng kursong kapareho ng aktres at natapos ito taong 2015.

Image Credit via Google

Matatandaan na noong nakaraang taon buwan ng Mayo ay ginagamit na ng mag-asawa ang kanilang pinag-aralan dahil matagumpay nilang binuksan ang kanilang Kauna-unahang restaurant, ang “Angrydobo” sa may Taft Avenue kung saan ay inihain nila ito ay mga pagkaing Pinoy at ang pinaka speciality sa kanilang menu ay ang Adobo, na mismong recipe ni Judy Ann.

Image Credit via Google

Talaga namang tinangkilik ng mga tao ang negosyo na ito ng mag-asawa, kaya naman ng parehong taon din ng buwan ng Disyembre ay nagkaroon sila ng kanyang pangalawang branch na matatagpuan naman sa Westgate Center, Alabang.

Ibinahagi rin ni Ryan, kung paanong naging Angrydobo ang naging pangalan ng kanilang restaurant. Ito raw ay dahil minsan nag-away sila ng kanyang asawang si Judy Ann ay hinainan siya nito ng masarap na Adobo, na niluto nito habang galit sa kanya.

Maliban pa nga sa Angrydobo restaurant ay mayroon ding Italian restaurant na pagmamay-ari ang mag-asawa, ito ay ang “Pizza Telefono” sa Alabang.

Sa kabilang banda naman, ang mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes ay parehong nag-aral at nagtapos ng Culinary Arts sa International School for Culinary Arts ag Hotel Management (ISCAHM) kaya talagang parehong may alam rin sa pagpapatakbo ng negosyong restaurant at hotel business ang mag-asawa.

Sa katunayan pa niyan, si Christopher ay nagtatrabaho ng minsan sa isang Hotel sa France kung saan ay nabasa ng husto ang kanyang galing tungkol sa pagnenegosyo. Ang Filipino restaurant na “Estela” sa may Cainta, Rizal ay pagmamay-ari ng mag-asawa na binuksan niya taong 2018.

Makalipas nga ang dalawang taon, ay muling nagbukas ng panibagong negosyo ang mag-asawang Christopher at Gladys. Nitong Pebrero ng taong ito, ay inilunsad ng mag-asawa ang kanilang food catering services na pinangalanan nilang “Sommereux” na sinunod sa totoong apelyido ni Christopher mula sa French na ama nito.

Ayon sa mag-asawa ay talagang may kaba silang naramdaman sa pagpasok sa bago nilang negosyo sapagkat baguhan lamang sila rito, ngunit dahil sa suporta at tulong ng kanilang pamilya at mga kaibigan ay mas naging pursigido sila na ituloy ang negosyong matagal na nilang pangarap.




Talaga namang pinatunayan ng dalawang bida sa Mara-Clara, na hindi lang sila sa pag-arte magagaling kundi may ibubuga din sila pagdating sa pagnenegosyo. At kahit hindi na magkakasama sa mga proyekto, ay patuloy pa rin ang pagkakaibigan ng dalawa at parehong sinusuportahan ang negosyo ng isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *