Sa kanya ngang Instagram account, ay ibinahagi niya ang mga bagay na ngayon ay kanya ng naipundar at nakamtan para sa magandang buhay ng kanyang pamilya, sa pamamagitan ng kanyang ginawang pagsusumikap sa buhay. Makikita nga sa latest post ni Yamyam sa kanyang IG ang naging pagbabahagi niya ng mga bagay na naging bunga ng lahat ng kanyang naging pagsisikap, katulad na nga lamang ng nabili niyang lupain at isang bagong kotse na para sa kanyang pamilya.
Ayon nga sa PBB big winner 2019, ang nabili niyang lupain para sa kanyang mga magulang, ay ang dating lupain na sinasaka lamang nila noon. Ayon sa kanya, regalo niya ito para sa kanyang mga mahal na magulang, bilang ganti sa lahat ng naging pagsusumikap at pagpapakapagod ng mga ito noon sa trabahong bukid para lamang matustusan ang kanilang pamilya.

“Liparin ang Pangarap”, ito naman ang nakasaad na caption sa larawan na ibinahagi ni Yamyam. Maliban nga sa lupain, ay ibinahagi rin ni Yamyam na naibili na niya ng bagong sasakyan na isang kotse ang kanyang pamilya.

Dagdag pa niya, hindi lang ang mga ito ang mga ipinundar niya, dahil bilang paghahanda rin sa hinaharap, ay naisipan na niyang magpundar ng negosyo na sisimulan niyang palaguin. At ang negosyo ngang ito, ay isang bakeshop na kanyang itinayo sa kanilang probinsya.

Base nga sa naging panayam noon kay Yamyam sa morning talk show ng ABS-CBN na ‘Magandang Buhay’, ang bakeshop na kanyang ipinundar ay hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa buo niyang pamilya, itinuturing niya ito na isang ‘family bbusiness’ na tulong-tulong nilang palalaguin ng kanyang pamilya.

“May bakeshop. May konting negosyo ako, hindi rin ‘yon akin, para sa kanila rin ‘yon, family business.” Bawat bagay ngang naipupundar ni Yamyam ngayon ay inilalaan niya para sa kanyang pamilya, kaya naman makikita talaga natin na malaki ang pagmamahal niya sa pamilya niya, at kung gaano niya pinapahalagahan ang kinabukasan ng mga ito.

Ngayon ay malayo si Yamyam sa kanyang pamilya, dahil na nga rin sa kanyang trabaho. Kaya naman kahit mahirap na malayo sa pamilya, ay ginagawa na lamang niya itong inspirasyon upang mas matupad niya ang kanyang mga pangarap na mabigyan pa ng mas magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.

Hindi nga lamang ang pagsisikap sa buhay ang sikreto ni Yamyam sa pag-unlad na kanyang nakakamit ngayon, dahil kalakip din ng bawat pagtupad niya sa kanyang pangarap ay ang taimtim niyang panalangin na maisakatuparan niya ang lahat ng kanyang minimithi.
Tunay ngang ang kwento ng buhay ni Yamyam Gucong, ay magbibigay inspirasyon sa maraming tao, higit sa mga kabataan na nagsusumikap na matupad ang mga pinapangarap nila sa buhay. Nagpapatunay din ito, na kailanman ay hindi magiging haldang ang kahirapan sa taong may pangarap na makamit ang isang maganda at maginhawang buhay.