Billy Crawford Ibinahagi Kung Gaano Siya Mas Napahanga Ng Asawa Kanyang Si Coleen Garcia

Tunay nga naman na kahanga-hanga ang kakahayan ng isang babae na gampanan ang pagiging isang asawa at ina sa kanyang pamilya. Kaya naman ang TV host na si Billy Crawford ay labis na pinagdiinan sa kanyang naging IG post kung gaano siya humahanga sa kanyang asawang si Coleen Garcia, ng mag-post nga siya ng kanyang sweet na pagbati para kay Coleen sa pagdiriwang nila ng ika-3 taong anibersayo ng kanilang kasal.




Ang mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford ay ikinasal noong ika-20 ng Abril taong 2018, kung saan ito nga ay ginanap sa luxury resort sa Balesin, Polilo Island sa Quezon. Ang naturang kasal nga na ito ng dalawa ay isang intimate wedding ceremony na dinaluhan nga lamang ng kanilang mga kapamilya ay malalapit na kaibigan.

Photo Credit: billycrawford/Instagram

Ngayon taon nga ay ipinagdiwang na ng mag-asawa ang ikatlong taong anibersaryo ng kanialang naging pag-iisang dibdib, at sa pagkakataon ngang ito ay mas naging espesyal ang araw na ito sa kanila dahil kasama na nila sa kanilang buhay ang anak nilang si baby Amari.

Photo Credit: billycrawford/Instagram

Makikita nga sa Instagram post ni Billy ang naging pagbabahagi niya ng video ng asawa niyang si Coleen habang ito ay abala sa pag-breastfeed sa kanilang anak.

Photo Credit: billycrawford/Instagram

Kalakip ng naturang video na itom ay ang caption ni Billy na nagpapahayag nga ng napakatamis na mensahe niya para sa kanyang celebrity wife, kung saan ayon nga sa kanya ay talaga namang labis ang kanyang pagmamahal dito at talagang humahanga siya sa kakayahan nito dahil mahusay nitong nagagampanan ang pagiging isang asawa sa kanya at ina naman sa anak nilang si Amari.

Photo Credit: billycrawford/Instagram

“Happy happy 3rd anniversary my love! Seeing you walk down the isle was so beautiful. But coming home to this and seeing you become an amazing mom and even a better wife, now it’s pure beauty”, ani Billy.

Photo Credit: billycrawford/Instagram

Dagdag pa nga nito, “Happy anniversary and I love you so so much! I pray that God will continue to bless us and guide our family to joy and success! [Cheers emoji] my love! [three red heart emoji] I came home to tis by the way!”

Photo Credit: billycrawford/Instagram

Sa kabilang banda naman ay makikita rin ang naging pagpapahayag ni Coleen Garcia ng kanyang pagmamahal at appreciation sa asawa niyang si Billy, dahil nga sa talaga namang araw-araw nitong ipinaparamdam sa kanilang dalawa ni baby Amari kung gaano sila kamahal nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)

“Happy [est] anniversary, my love! [red heart emoji] Thank you for assuming me every day that you love, appreciate, value, understand, and support me no matter what. You’re all I’ll ever need in a partner”, post nga ni Coleen.




“I’m so thankful for youm and so proud of the husband and daddy that you are. You continue to grow so much because you are so humble and you genuinely care and want to be better for the people in your life.

thank you for giving us your all, and for keeping us in your mind in everything you do! Three cheers for three years of marriage, and for our little family of three! I’ll never stop thanking God for the both of you”, dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *