Bimby Payag Na Muling Mag-Asawa Ang Kanyang Inang Si Kris Aquino

Kamakailan lamang ay sumalang sa Q&A vlog ang mag-inang Kris Aquino t Bimby, kung saan sa vlog rin na ito ay sinabi ni Bimby na payag siya na muling mag-asawa ang kanyang ina, ngunit mayroon lamang umano siyang mga magiging kundisyon para sa lalaking magiging karelasyon nito.




Mapapanood nga sa naturang video na hindi inurungan ni Kris ang mga naging katanungan sa kanya ng kanyang 14-taong gulang na anak na si Bimby, ito nga ay dahil alam niya na kilalang-kilala siya ng anak niya.

Photo Credit: krisaquino/Instagram

Samantala kalakip nga ng naturang video na ito ay ang naging caption ni Kris, kung saan ay sinabi nga niya na lahat ng katanungan ng kanyang anak sa kanya ay kanyang sinagot. At bilib na bilib siya sa pagiging matalino ni Bimby, lalo na’t kahit na labing apat pa lamang ang edad nito ay napakalawak na ng pang-unawa nito.

Photo Credit: krisaquino/Instagram

“He asked, I answered. What can I say? I said LAHAT sasagutin, kaya walang inurungan my 14-year old knows me inside out in my birthday card to him I said – he has already given me too much LOVE, SUPPORT, TRUST and UNDERSTANDING. Kaya ngayon, it’s time for him to experience ‘regular’ and ‘normal’ to the best that I can give him.

Photo Credit: krisaquino/Instagram

Tomorrow he answers my questions, I am so PROUD, mas matalino, mas matatag, mas malawak ang pang-unawa ng bunso ko kumpara sa mama niya when I was his age, and even now in many ways, he really is the BETTER me!”

Photo Credit: krisaquino/Instagram

Isa nga sa mga naging katanungan ni Bimby na matapang ngang sinagot ng kanyang inang si Kris, ay kung may plano pa bang mag-asawa ang tinaguriang Queen of All Media.
“Do you see yourself getting married in the future?’, tanong nga ni Bimby sa kanyang mommy.

Isang katanungan rin naman para sa anak ang isinagot ni Kris, “Are you allowing me to get married?” Agad namang sinagot ni Bimby ang kanyang ina, kung saan ay kanya ngang sinabi kung muli ngang makatagpo ang ina ng isang tao na mamahalin nito at mamahalin din ito ay payag siya na mag-asawa itong muli.

Dagdag pa ni Bimby, dapat umano ay may sarili ring pera ang lalaking magiging karelasyon nito. Tila naman may naging pag-aalangan si Kris sa naging kasagutan ng anak na si Bimby, kaya naman ipinaliwanag niya dito na hind inga madaling makakita ng lalaking mamahalin siya na mas marami pang pera sa kanya,

Marami nga naman ang nakababatid sa atin na si Kris ay isa sa mga personalidad sa showbiz na mula sa mayamang pamilya, idagdag pa ang pagiging isa niyang sikat na artista kaya naman talagang napakayaman niya at naparami niyang mga properties at investments.

Ayon naman kay Bimby ay may tatlo siyang magiging kundisyon sa lalaking magiging karelasyon halimbawa ng kanyang inang si Kris.Ito lang as long as he doesn’t try to steal”, ani Bimby. “And as long as he doesn’t yell or hit you kasi if he does, I’ll stab him in the neck”, kundisyon pa nga ni Bimby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Natatawa na nga lamang si Kris sa mga sinabi ni Bimby, at muli nga niyang binalik ang tanong niya dito kung papayagan siya nitong mag-asawa muli. “Yes, but those three things lang, no stealing, no hitting and no shouting”, ang naging kasagutan ni Bimby.




Idinagdag pa nga ni Bimby, na maliban sa mga kundisyon niya ay kinakailangan ring matutunan ng lalaking magiging future husband ng kanyang ina ang ‘rules of Kris’.
Ibinahagi naman ni Bimby kung ano-ano ang mga rules of Kris,

kung saan ay kabilang nga dito ay ang pagiging sweet, mabait, at pagsasabi lagi ng always beautiful sa kanyang mommy ng magiging future husband nga umano nito. indi naman napigilan ni Kris na mapatawa sa mga pinagsasabi ni Bimby sa kanya, at sinabi nga niya sa kanyang anak na marahil mas magiging malaki ang chance na mahanap nila ang lalaking nais nito para sa kanya kapag sila ay nanirahan na sa abroad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *