Binatang Anak Ni Jennylyn Mercado Na Si Alex Jazz Tumuntong Na Sa Edad 13 Taong Gulang

Si Jennylyn Mercado ay isa sa mga matagumpay na aktres ngayon sa industriya ng showbiz. Matatandaan na siya ay unang nakilala ng publiko ng maging kalahok at manalo siya sa GMA-7 reality TV show noon na “Starstruk” kasama si Mark Herras. Magmula noon,




ay nagbukas na nga ang napakaraming oportunidad para kay Jennylyn, kung saan ay mas ipinamalas niya pa sa lahat ang husay at talento na mayroon siya kagaya ng pag-arte at pagiging isang mang-aawit.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Hanggang ngayon nga ay patuloy pa rin na umaarangkada ang karera ni Jennylyn, dahil hindi pa rin nga kumukupas ang kanyang galing sa pag-arte. Mapa-teleserye man o malalaking pelikula ay talagang ipinapamalas niya ang kanyang husay, kaya naman tinagurian siyang “Ultimate Star” ng Philippine Cinema at isa rin nga siya sa mga pinaka-top actress ng sa Philippine showbiz.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Inspirasyon naman ni Jennylyn sa patuloy na pag-arangkada ng kanyang karera, ay ang kanyang unico jiho na si Alex Jazz. Si Alex Jazz ay ang anak niya sa dati niyang nobyong aktor na si Patrick Garcia. Kahit naman hiwalay na, ay nanatili namang magkaibigan sina Jennylyn at Patrick para sa kanilang anak.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Samantala, napakabilis namang lumipas ng panahon, dahil hind inga makapaniwala ang aktres, na ang baby niya lamang noon ay isa ng big bog ngayon. Kamakailan lamang kasi, ay nagdiwang na ng ika-13 taong kaarawan ang unico hijo ng aktres.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Sa Instagram account ni Jennlyn ay ibinahagi niya ang mga larawan na kuha sa naging masayang pagdiriwang ng ika-13 taong kaarawan ng anak niyang si Alex Jazz. At sa mga larawan nga ay makikita,

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

na sa kabila ng pagiging ‘intimate’ ng selebrasyon ay pinaghandaan pa rin ito ng aktres, upang mabigyan ng kasiyahan at maging espesyal ang kaarawan ng kanyang anak.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Makikita rin sa ilang mga larawan, na kasama ni Jennylyn at Alex Jazz sa okasyon ang nobyo ngayon ng aktres na si Dennis Trillo, at ang anak nitong si Calex. Mapapansin naman talagang maganda ang samahan ng mga ito, base na nga sa mga larawan.

Kalakip naman ng mga larawan na ibinahagi ni Jennylyn ay ang kanyang naging caption, na naglalahad ng kanyang pagbati at pagmamahal para sa unico hijo niya.
“My Jazz is now officially teenager! Pero he will remain my baby forever! Happy 13th my Jazzy! [red heart emoji] I love you so much”, saad ng aktres sa kanyang caption.




Naging kapansin-pansin naman sa mga netizens na ngayon na binata na ang anak ng aktres, ay mas lalo pa ngang lumilitaw ang taglay na kagwapuhan nito at pagka-artistahin looks na hindi naman kataka-taka dahil ang mga magulang niya ay parehong maganda at gwapo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *