Bongga Ang Babysitter Ni Scarlet Belo Pang International Model Ang Ganda

Hindi biro ang trabaho ng isang babysitter. Isa na yata ito sa mga pinakamahirap na trabaho sa mundo dahil ibang klase ng dedikasyon ang kinakailangan mo para sa trabahong ito. Maliban pa rito, kinakailangan mo rin ng mahabang pasensya dahil mag-aalaga ka ng bata na mababaw pa lamang ang isip.




Siyempre, ang mga bata ay kinakailangan ng pang-unawa dahil sa kanilang murang edad ay hindi pa ganoon kaunlad ang kanilang pag-iisip. Ang mga babysitter rin ang karaniwang responsable sa kahihinatnan ng isang bata sa paglaki nito. Ngunit maliban sa pagiging maunawain, mahaba ang pasensya, at dedikado, ano pa nga ang mga kwalipikasyon para sa isang babysitter?

Kung ikaw ay magiging babysitter ng isa sa mga pinakasikat at pinaka prominenteng bata sa Pilipinas, marahil ay kakailanganin mo ng mas higit pa sa nabanggit. At iyon nga ang nangyari sa baby sitter ng anak nina Hayden Kho at Dra Vicky Belo na si Scarlet Snow Belo. Alam niyo ba na ang babysitter ni Scarlet ay isang international fashion model? Tama. Mula sa pagiging modelo sa Brazil, babysitter na ngayon ang modelong si Analu Araujo na may tangkad na 5’10” at vital statistics na 34 – 23.5 – 35.5.

Isa na yata ito sa mga nakakagulat na balita sa Pilipinas. Nagulat ang madla sa nalaman niya dahil si Analu ay nagmula sa Wilhelmina Models, isang modelling agency na nakadiskubre rin sa pamosong si Liza Soberano noong 2016. Bagamat ganito ang kanyang trabaho, hindi pa rin maipagkakaila ang ganda ni Analu. Sa kabila nito, nanatili pa rin ang kaniyang maamong mukha kahit walang make-up.

Kung sabagay, mabuti nang ganito ang baby sitter ni Scarlet dahil balang araw ay lalaki rin siyang katulad ng kanyang baby sitter na maganda at sexy. Pero syempre, hindi pa rin maiiwasan ng mga netizen na magulat dahil sino ba naman ang hindi manloloko kung malalaman mong ang babysitter mo pala ay isang international na modelo?




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *