Magkasamang Nagbakasyon Sina Beauty Gonzales At Ellen Adarna Sa Thailand

Marahil ay marami tayong mga kilalang mga nanay na may mga anak na. Karamihan sa kanila, matapos manganak ay hindi na mapangalagaan ang sarili dahil sa kakaalaga nila sa kanilang mga anak. Maliban pa rito, sila rin ang nag-aasikaso sa kanyang asawa.

Siyempre, doble rin ang kanilang hirap kung sila ay mga single mom at kinakailangan pang mag-trabaho para sa kanilang mga anak ng nag-iisa lamang sa buhay. Ngunit, hindi ibig sabihin na nanay ka na ay hindi mo na pwedeng ilibre ang iyong sarili at pabayaan na lamang na malosyang ka.

Photo Credit: @beauty_gonzales/Instagram




Katulad na lamang ng dalawang aktres na ito na kahit may mga anak na ay napapanatili pa rin ang kagandahan ng kanilang mga mukha at ang hubog ng kanilang mga katawan. Nito lamang kasi ay nag trending sa social media ang larawan ng dalawang sexy star at aktres na sina Ellen Adarna at Beauty Gonzales, ang bida sa sikat na programa ng Kadenang Ginto.

Hindi naman lingid sa kaalaman na pawang matalik na magkaibigan ang dalawa.
Ayon sa post ni Beauty, nagtungo sila kasama ang kanilang mga kaibigan sa bansang Thailand upang magbakasyon. Maliban sa kanilang mga kaibigan ay kasama rin nila ang kanilang mga anak.

Photo Credit: @beauty_gonzales/Instagram

“Traveling with Olivia alone with no help for the first time — literally just me, and her, and my friends! This will be an interesting trip,” saad ni Beauty. Bagamat walang kasamang yaya si Beauty, makikita mo namang nag-enjoy ang ina kasama si Ellen Adarna. Hindi katulad ni Beauty, kasama ni Ellen ang kanyang mga yaya para alagaan ang panganay nilang anak ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Ayon sa isang netizen, mababait raw ang mga yaya ni Ellen dahil mabait raw si Ellen kung makisama sa kanila. Sa katunayan, nakipag inuman raw si Ellen kasama ang kanilang mga yaya. Isa silang patunay na hindi dapat magmukhang losyang ang mga nanay at huwag kalimutang alagaan ang sarili.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *