Bossing Vic Sotto At Pauleen Luna Masayang Nagbakasyon Sa Baguio Kasama Ang Mga Anak At Pamilya

Tila nagkaroon ng isang family reunion ang pamilya ni Bossing Vic Sotto sa Baguio nito nga lamang nakaraan ng magbakasyon ang buong pamilya ng TV host-actor sa nasabing lugar.




Maliban kasi sa kasama niya ang asawa niyang si Pauleen Luna at anak nila na si Tali, ay kasa-kasama rin nila sa nasabing bakasyon ang iba pa niyang mga anak sa dating asawang si Dina Bonnevie, na sina Oyo Boy Sotto at Danica Sotto, kasama rin nito ang kani-kanilang mga pamilya.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Dahil sa ramdam na nga ng marami sa atin ang papalapit na summer, ay talaga namang hanap ng marami sa atin ay ang makapaglaro at makapag-relaks sa isang malamig na lugar, kaya naman ang pamilya nina Bossing Vic ay sa “Summer Capital of the Philippines” sa Baguio nagtungo pa sa espesyal na pagsasama-sama nilang mag pamilya.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Tumuloy ang pamilya Sotto sa isang napakagandang house lodge, kung saan mula sa kanilang kinaroroonan ay di makapigil sa ganda na tanawin ang iyong matatanaw.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Maliban sa magandang view ng natatanaw sa kanilang house lodge, ay mapapansin rin ang pagiging kumpleto nito sa kagamitan, kung saan nga ay marami silang pwedeng gawin, at isa na nga sa mga ito ay ang magluto ng nais nilang kainin.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Makikita nga na ang mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa, ay agad naging abala sa pag-iihaw ng ‘steak’ para pang-hapunan nila. Ang anak naman ni Bossing Vic at Pauleen na si baby Tali, ay makikita babala sa pakikipag kulitan at pakikipaglaro sa kanyang mga pamangkin.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Sa mga larawan ng ang ibinahagi ng pamilya Sotto sa naging bakasyon nila na ito, ay makikita na talaga naman lahat sila ay nag-enjoy. Ang mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, ay sweet na sweet sa kanilang mga larawan, kasama ang kanilang mga anak.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Syempre hindi rin naman magpahuli sa ka-sweetan ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, at nagpa-picture pa nga ang mag-asawa sa isang napakagandang lugar sa Baguio na natatanaw rin ang hindi makapigil sa hininga ang ganda na tanawin.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Samantala, maliban sa pagiging kilala ng Baguio, bilang isa sa mga lugar sa ating bansa na mayroong malamig na klima, ay popular din ang lugar sa pag ho-horseback riding, kaya naman maging ito ay sinubukan rin ng pamilya Sotto.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram




Kahit naman nasa bakasyon, ay hindi pa rin mawawala sa mga Sotto girls ang kanilang pag-eehersisyo, kaya naman nagkaroon pa sila ng enjoy at napakasaya ng Zumba time.
Enjoy na enjoy din ang mag-amang Vic Sotto at baby Tali sa kanilang bonding moments.

Tunay nga naman na iba ang naidudulot na kasiyahan kapag ang isang pamilya ay nagsama-sama, lalo na sa isang bakasyon na tulad ng ginawa ng pamilya Sotto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *