Boyfriend Ni Kiray Celis Pinakilig Ang Mga Netizens Sa Kanyang Graduation Photoshoot “Kiray Lang Sakalam”

Saya at may kasamang kilig ang naramdaman ng aktres na si Kiray Celis, sa naging pagtatapos ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia sa kolehiyo.




Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin, kung makikita mo sa naging graduation photoshoot ng boyfriend mo, eh proud nitong ipinakita kung gaano ka niya kamahal. At ganitong ganito nga ang ginawa ni Stephan, na talaga namang nagbigay kilig kay Kiray Celis, at maging sa mga netizens.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Makikita sa naging larawan ni Stephan sa kanyang graduation photoshoot, ang kanyang naging pag-pose na may hawak na white board, kung saan ay isang nakakakilig na mensahe para sa kanyang girlfriend na si Kiray ang nakasulat dito.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

“Mahal na mahal kita Johanna Ismael Celis.” “Kiray lang sakalam”, ang mga mababasa ngang mensahe sa whiteboard na hawak ni Stephan.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Sa naging mensahe ngang ito ni Stephan, ay tila sinasabi nito sa lahat ng tao, na nakakakita ng kanyang larawan na isa ang girlfriend niyang si Kiray sa mga inspirasyon niya, sa naging pagtatapos niya ng pag-aaral sa kolehiyo.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Dahil dito ay marami naman sa mga netizens, ang nagsabi na “couple goals” talaga ang magkasintahan, ito ay dahil sa magkasama nilang inaabot ang mga pangarap at naisin nila sa kanilang buhay.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Nagpa-abot naman ng mensahe ng kanilang pagbati para sa naging pagtatapos ni Stephan, ang ilang mga netizens, na natuwa at kinilig ng makita ang graduation photoshoot nito.
Narito nga nag ilan sa mga naging komento at mensahe ng mga netizens;

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

“Ang sweet ng way ni boy simple di gumastos para lang ma-impress ‘yung girl “kabog” if ako c kiray sure kinikilig un ngayon Sana all may nagmamahal, may nagmemention ”
“Sure ba kayong si Kiray gumastos lahat ng pag-aaral ng bf niya mga inggit lang kayo… congrats sana kayo na ni Kiray till end [heart emoji] stay strong.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

“Congrats sau Stephen and also Kiray… ang sweet naman” Momsh Kiray Celis baka naman may kuya si Baby Boy Stephan, I reto mo naman ako! Para dalawa tayong Merry ang Christmas! Share your blessing po! ”




Samantala, makikita naman sa Instagram account ni Kiray, ang kanyang naging mensahe para sa boyfriend niyang si Stephan, at kung gaano siya ka-proud girlfriend sa naging pagtatapos nito.

“Waaaahhhh. Congrats, @stephan.estopia! Proud na proud ako sayo. Sobrang saya ko na nakapagtapos ka na.”, saad ni Kiray. “Bonus na lang ‘yung gawin mo akong isa sa mga inspirasyon mo. Congrats rin sa lahat ng mga kapwa niya grumaduate sa Arellano”, dagdag pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *