Maliban sa Araw ng Kalayaan, ay isa din sa mga ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hunyo ay ang Pride month ng LGBTQ community. At kasabay nga ng pagdiriwang na ito, ay ginulat ng PBB Community Season Fifth Placer na si Brenda Mage ang mga netizens sa kanyang ibinahaging post sa Instagram account niya.
Sa loob kasi ng mahabang panahon ni Brenda sa mundo ng showbiz, ay naging ilag ito nap ag-usapan ang kanyang buhay pag-ibig, lalo na nga kapag siya ay ini-interview. At sab ago ngang Instagram post ng komedyante ay kanyang ginulat ang publiko ng ibahagi niya na siya ay mayroon ng bagong boyfriend, kung saan ito pa nga ang kasama niyang magmartsa sa selebrasyon ng Pride month.

“May jowa na ulit ako. . .”, ang naging caption ni Brenda sa kanyang Instagram post, kung saan makikita nga ang larawan na siya ay may kasamang gwapong lalaki. Ayon kay Brenda ang bago niyang boyfriend ay mula sa Sta. Cruz, Laguna, at ito ay si Gio Sta. Ana. Makikita naman talaga sa mga post niya kung gaano siya enjoy kapag kasama niya ang gwapong binata. Madalas ngang magkasama sina Brenda at Gio, lalo na pagdating sa mga adventures at iba’t ibang mga lakad, tulad na lamang ng naging swimming nila sa isang napakagandang falls.

Samantala, sa kasalukuyan ay ‘very open’ nga si Brenda sa relasyon nila ni Gio, at aminado naman siya na hindi niya sigurado kung magtatagal ba ang relasyon nila ng binata. Ngunit para sa komedyante, ay hindi na siya nagpapaapekto, lalo pa’t batid naman niya na wala naman talagang permanente sa mundo at ang tanging nais lamang niyang gawin ngayon ay ang i-enjoy ang masayang sandali na ito ng kanyang buhay kasama ang binata.

Bakas naman kay Brenda kung gaano siya kasaya ngayon sa kanyang buhay pag-ibig, lalo pa’t tila nga talagang ipinadarama sa kanya ng boyfriend niyang si Gio na mahalaga siya rito dahil hindi nga ito nakakalimot na bigyan siya ng sorpresa. Sa katunayan, kamakailan lamang ay nakatanggap si Brenda ng bouquet of flower mula sa binata na labis naman talagang nagbigay kilig sa kanya.

Sa kabila naman na goodvibes na ito na ibinahagi ni Brenda, ay hindi pa rin nga naiwasan na makatanggap siya ng komento mula sa mga haters at bashers, kung saan ang iba nga ay nagsabi na pera lamang ang habol ni Gio kay Brenda at sa huli ay iiwan rin nga ng nasabing binata ang komedyante.
Narito naman ang naging kasagutan ni Brenda sa lahat ng mga bashers at may negatibong sinasabi sa relasyon nila ni Gio, “Yung magaganda at pogi nga naglolokohan, eh ano pa ‘yung ganitong mukha. .. Ano, para sa inyo lang ang happy feelings? “