Buboy Villar Humanga Sa Napakagandang Transformation Ni Herlene Budol

Nito lamang nakaraang ika-4 ng Hunyo ng kasalukuyang taon, araw ng Sabado, ay nakapanayam ng PEP.ph ang Kapuso actor na si Buboy Villar sa naging grand launch ng AQ Prime Stream na ginanap sa Conrad Hotel, sa Pasay City. Sa panayam nga na ito, ay inamin ni Buboy na nais niyang muling makatrabaho si Herlene Budol o mas nakilala ng publiko bilang si Hipon Girl.




Matatandaan na minsan ng nagtambal sina Buboy at Herlene at ito nga ay sa Kapuso primetime series na False Positive, kung saan gumanap sila bilang si Malakas at Maganda.
“Actually, nag-usap kami ni Herlene nitong mga nakaraang araw lang.” “Sobrang nabitin nga rin siya sa False Positive. Kasi, parang kulang na kulang yung one month na taping namin.

Image Credit via Google

“Tapos sobrang nabitin din ako. Kasi, hindi pa namin talaga na-all out yung pinaka-character namin dun. May mailalabas pa yun. Ayon nga kay Buboy kamakailan lamang ay nagkausap umano sila ni Herlene, kung saan ay kanila nga umanong napag-usapan na pareho silang nabitin sa pinagsamahan nilang serye, lalo pa nga’t batid nila na may ilalabas pa ang pinaka-character nila sa nasabing palabas.

Image Credit via Google

Saad pa ng Kapuso actor, ay umaasa siya na makakasama niyang muli sa isang proyekto o programa si Herlene. “Well, I hope na masundan pa yung False Positive na yun. Sana, magkaroon pa ng programa na puwede kaming magsama ni Herlene. Ibinahagi rin nga ni Buboy kung paano katrabaho si Herlene, at ayon nga sa aktor, ay maayos na katrabaho si Herlene, at natutuwa nga siya rito dahil sa open ito pagdating sa mga suhestiyon.

Image Credit via Google

Batid naman natin na ngayon ay isa si Herlene Budol sa mga kadalagahan na kalahok sa Binibining Pilipinas 2022, at kung sakali man ngang palarin ang dalaga na makamit ang titulo at korona, ay paniguradong magiging abala ito na gampanan ang kanyang duties bilang isang beauty queen.

Image Credit via Google

Para naman kay Buboy at suportado niya si Herlene anoman ang maging desisyon at plano nito s akanyang career, bilang kaibigan nga ay all-out lamang ang support niya sa pangarap nito. Samantala, nang tanungin naman si Buboy kung paano niya ide-describe ngayon ang ganda ng partner niya sa seryeng False Positive ay ito ang nasambit niya,




“Siguro, ang pinakaano ko sa kanya, HUWAW! With letter ‘H’!” “Ha! Ha! Ha! Ha! Kasi, wala akong masabi sa kanya. Katulad nung nakita ko siya, sabi ko, ‘Huwaw! Ibang-iba ka na ngayon!’“Nanibago ako sa kanya, e, nung nakita ko siya. Pero OK pa rin naman, ganun pa rin ang kalog niya!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *