Buboy Villar Napatunayan Kung Gaano Kabuting Kaibigang Si Ruru Madrid

Nito lamang nakaraan ay naging usap-usapan ang ginawang prank ng aktor na si Buboy Villar sa kanyang mga kabigan na sina Pr𝔦ceTagg, Gladys Guevarra at Ruru Madrid. Ang prank na ito ni Buboy ay ang pagsubok kung sino sa kanyang mga kaibigan ang magpapahiram sa kanya ng pera sa oras na kinakailangan niya.




Mapapanood sa bidyu na ibinahagi ni Buboy na sinubukan niyang umutang ng pera sa kaibigan niyang aktor na si Ruru Madrid. Ayon sa kanya ay kinakailangan niya ng halaga na P250,000 ito ay dahil sa kulang umano ang kanyang pambayad sa sasakyan na kanyang binili.

Image Credit via YouTube

Upang mas mapaniwala ang kaibigan, ay nagpanggap si Buboy na umiiyak sa bidyu upang mas maging makatotohanan nga ang kanyang ginagawang prank. Sa una ay tila ayaw pa ngang maniwala ni Ruru, dahil tinawanan lamang niya si Buboy, pero sinabi ng ani Buboy na tunay ang kanyang hinihiram nap era dahil sa nagsabay-sabay umano ang kanyang mga bayarin kaya naman kinapos umano siya.

Image Credit via YouTube

Nang tila nakumbinsi na ni Buboy ang kaibigan niyang si Ruru sa kanyang naging pag-arte, ay sinabi nito sa kanya na itatanong muna nito sa kanyang mga magulang, ngunit kalaunan ay nagbago ang isip ng aktor. Agad na tinanong na ni Ruru kay Buboy kung ano ang account number ng kaibigan, at sinabi nga na padadalhan niya ito ng P150,000. Dagdag pa ni Ruru,

Image Credit via YouTube

hindi na nga kinakailangan pang bayaran ni Buboy ang naturang halaga, dahil sa isipin na lamang umano nito na tulong niya ang perang ibibigay niya. “Kasi siyempre, mga an𝔞k mo, ing𝔞tan mo rin yun. Kumpare kita, tagal na natin magk𝔞ibigan”, saad nga ni Ruru kay Buboy.

Hindi naman napigilan ni Ruru ang matawa ng aminin na ng kaibigan niyang si Buboy na isang “prank” lamang ang ginawa nitong paghiram ng pera sa kanya.
Ayon naman kay Ruru, ay inihahanda n asana niya ang tseke na ibibigay kay Buboy, at pabiro pa nga nitong sinabi sa kaibigan na pwede na nitong kuhain ang pera.

Umani naman ng maraming mga positibong komento ang prank bidyu na ito ni Buboy sa kaibigang si Ruru, at maraming mga netizens ang talagang hinahangaan ang pagiging isang mabuting kaibigan ni Ruru kay Buboy.

Video Credit: Buboy Villar/YouTube

“Matagal ko nang idolo yan si Ruru, ma𝔞ait talaga yan lalo na nung nakita namin sa personal. Hindi siya insabero.” “B𝔞ti naman on𝔢 slap. Tunay na k𝔞ibigan talaga.”
“Tinataw𝔞nan ka lang ni Ruru habang nag-iy𝔞k-iy𝔞kan ka. Pero in f𝔞irness ang b𝔞it naman ni Ruru nai𝔦love tuloy ako sw𝔢rte ni Bianca Umali!




Sa kasalukuyan ay patuloy na nagsusumikap si Buboy Villar sa kanyang buhay ito ay upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang dalawang anak sa dati niyang karelasyon na si Angillyn Gorens.

Kahit naman hiwalay na sa dating karelasyon, ay maayos naman silang dalawa at patuloy pa rin na may komunikasyon sa isa’t isa bilang mga magulang para sa ikabubuti ng kanilang dalawang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.