Bucket List Ng Kapuso Actor Na Si Jack Roberto Nabigyan Ng Katuparan

Isa ang Kapuso actor na si Jack Roberto sa mga hinahangaang aktor ngayon sa showbiz. Nabibilang na din siya sa mga artista ngayon na talaga namang maganda ang takbo ng karera, dahil sa napakarami na ngang mga proyekto at pelikula ang kanyang nagawa.




Ngunit bago man narating ni Jack ang kasikatan at karangyaan na tinatamasa niya ngayon, ay aminado siya na marami muna siyang pinagdaanang pagsubok at paghihirap.

Image Credit via YouTube

Samantala, tulad ng ibang mga artista sa showbiz ay isa si Jak sa mga nangangarap lamang noon na makabili ng lupain na pagtatayuan nga niya ng kanyang pangarap na bahay.

Image Credit via YouTube

At dahil nga sa kanyang naging pagsusumikap sa showbiz, ngayon ay hindi na lamang ito isang pangarap dahil kamakailan nga lamang ay nabigyan na niya ito ng katuparan matapos nga siyang makabili ng isang malawak na lote, na patatayuan nga niya ng kanyang bahay sa hinaharap.

Image Credit via YouTube

Para nga kay Jak ay talagang napaka-blessed niya dahil hindi niya kailanman naisip na matutpad niya agad ang kanyang pangarap na makapagpundar ng sariling lupain.
“I feel so blessed guys kasi hindi na ko talaga naisip before na makabili ako ng lupa”, ang pahayag ng Kapuso actor.

Image Credit via YouTube

Sa kanya ngang latest vlog ay ipinasyal ni Jak ang kanyang mga subscribers sa lote na kanyang nabili, kung saan ito nga ay malapit lamang sa bahay ng kanyang kapatid na si Sanya Lopez.

Image Credit via YouTube

Kung kaya naman, isa talaga sa mga bucket list niya ay ang makapagpundar ng sariling lupain na sa hinaharap nga ay mapapatayuan niya ng kanyang bahay.

Image Credit via YouTube

“Nag-invest ako sa lupa kasi, matagal ko ng pangarap ‘yon guys. Lahat naman tayo nangangarap na magkaroon ng property, isa ‘to sa mga nasa bucket list ko, na someday uunahin ko talaga ang lkumuha ng lupa and magbi-build ako ng sarili kong bahay, gusto ko ako talaga yung magpapatayo.”

Image Credit via YouTube

Pagbabahagi pa ng aktor ngayong panahon ng krisis ay talagang nagpapasalamat siya dahil sa kabila ng krisis na ito ay patuloy pa rin ang pagkakaroon niya ng proyekto, kaya naman nagawa niyang makapag-ipon at ito nga ang ipinambili niya ng nasabing lupa.

Video Credit: Jak Roberto/YouTube

“Sobrang thankful ako sa lahat na nagta-trust sa akin, especially sa mga naging endorsement ko during this time of krisis diba, blessing in disguise nagkaroon po tayo ng mga endorsement and dun po nanggaling yung ipon ko dito”, ani Jak.




Bago tinapos ng aktor ang kanyang vlog ay pina-abot rin niya ang kanyang taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya, dahil ang mga ito ang dahilan kung bakit napakaganda ng takbo ng kanyang karera.

“Maraming maraming salamat po sa walang sawang suporta niyo sa akin, and kasama po kayo sa lahat ng success ko, sa lahat ng magandang nangyayari po sa akin”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *