Bumili Si Loisa Andalio Ng Kanyang Dream Car Na Isang Nissan Urvan

Kapalit ng iyong kasikatan bilang artista ay ang “hectic schedule” na kakaharapin mo araw-araw. Depende sa iyong kasikatan, maaaring mag palipat-lipat ka ng lugar sa isang araw para sa mga proyektong kailangan mong bunuin. Hindi ka na rin maaaring makabalik sa iyong tahanan upang makapag-refresh kung kaya’t kailangan ay dala mo na ang lahat ng iyong gagamitin na mga kasuotang pampalit at pang-trabaho para sa isang araw.

Photo Credit: @iamAndalioLoisa/Twitter




Para magawa ito, kinakailangan mo ng isang sasakyang kayang pagkasyahin ang malaking mga gamit at maraming tao. Kailangan mo kasing isama ang mga taong mag-aalalay sa iyo para sa iyong trabaho. Kaya naman, karamihan sa mga artista ay may kani-kanilang mga “van” kung saan doon nila sinasakay ang kanilang mga gamit na sangkatutak para sa isang araw.

Kasama na rin nila dito ang kanilang mga stylists. Bagama’t may kamahalan, talagang nagpupundar ang mga artista para dito dahil kung tutuusin nga naman ay mas praktikal itong gamitin lalo na sa kanilang trabaho.

Photo Credit: iamandalioloisa/Instagram

At nito lamang ay na-achieve na rin ni Loisa Andalio na magkaroon ng isang van na isa rin pala sa mga pangarap niya. Sa kaniyang post sa Instagram, malaki ang kaniyang pasasalamat sa Diyos dahil nagawa niyang makapundar ng 15-seater na Nissan NV350 Urvan. Ang sasakyang kaniyang binili ay nagkakahalaga ng mahigit Php1.4 milyon!
Sa takbo ng karera ni Loisa, talagang maging malaking tulong sa kanya ang van na ito lalo pa’t mas sumisikat pa siya ngayon.

Maliban sa mga taga-hanga, taga-suporta, at mga netizens na natuwa sa tagumpay ng aktres, nagpaabot rin ang ibang mga artista ng kani-kanilang mga pagbati dahil sa bagong narating at naipundar ni Loisa sa kanyang buhay. Bihira lamang tayong makakita ng isang taong marunong pumili at magpundar ng mga praktikal na bagay. Sana maging inspirasyon si Loisa sa ating lahat na kailangan unahin ang praktikalidad sa buhay bago ang luho upang mas lalo pa tayong umunlad. Kailangan rin natin maging wais sa mga bagay na ating binibili.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *