Bumilib Sa 23-Taong Gulang Vlogger Na Si Mimiyuuuh Na Nakabili Ng Bahay Para Sa Kanyang Pamilya

Isa sa mga most well-loved at sought-after vloggers ngayon dito sa ating bansa ay si Jeremy Sancebuche o mas kilala ng publiko bilang si Mimiyuuuh. Batid ng marami sa atin kung ano ang nga hirap sa buhay at pagsubok na pinagdaanan ni Mimiyuuh bago pa man siya makilala at maging matagumpay sa mundo ng vlogging. At ngayon nga dahil sa kanyang pagtitiyaga at pagsusumikap sa pagba-vlog ay unti-unti na niyang natutupad ang kanyang mga panagarap na para sa kanyang pamilya.




Isa nga sa mga pangarap na kanya ng natupad ngayon ay ang magkaroon ng sariling bahay na para sa kanyang pamilya. “Nakahanap nap o kami. Yehey! Ongoing na po yung pagpa-process niya.” “Hindi po talaga expected…. Akala ko nga po mga nasa 30s pa ako makakabili ng bahay, tapos ayun po, sobrang amazed ako na makakabili na po ako ng bahay for my family.”

Image Credit via Google

Ang naging saad nga ni Mimiyuuh sa isang panayam sa kanya sa entertainment website na Push. Ayo pa nga kay Mimiyuuh, bata pa lamang siya ay pangarap na niya ang magkaroon ng sariling bahay para sa kanyang pamilya dahil sa lumalaki siya na nakikita niya kung gaano kahirap ang mangupahan, dahil nangungupahan lamang sila noon.

Image Credit via Google

“Sobrang dream ko po talaga na magkabahay po kasi ever since hindi po talaga kami nagkabahay, parang nagrerentaj lang po kami.” “May time nga po na parang pinapalayas nap o kami kasi hindi nakakapagbayad yung nanay ko.” “Talagang pinag-ipunan kop o talaga, so lahat po ng Youtube sahod ko talaga ay dito ko po talaga inilalaan.”
Sa kanya ngang June 2020 vlog ay nagbahagi si Mimiyuuh ng munting pasilip sa pinagkaka abalahan niya ngayon na “House hunting.”

Image Credit via Google

Video Credit Youtube

Marami namang mga netizens at mga tagahanga ni Mimiyuuh ang naging masaya para sa katuparan ng pangarap ng vlogger. At ang iba pa nga sa kanila ay nagbigay ng kani-kanilang mga komento at pagbati.




“such a dream of every child to buy something valuable to his parents… proud of you mimiyuuuh.” “Everyone take a second to read this: just like mimiyuuh in the near future you’ll make your dream come true, build your own house and buy your own car. Especially make your parents proud.” Isa nga namang kwento ng inspirasyon at tagumpay ang buhay ni Mimiyuuh na maaring tularan ng maraming kabataan ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.