Bumiyahe Papuntang Hong Kong Si Daniel Padilla Para Lamang Makita Si Kathryn Bernardo

Ano ba ang handa mong gawin para sa iyong minamahal? Hindi biro ang buhay ng isang artista lalo na kapag magkarelasyon kayo. Bagama’t love team kayo, magkakaroon at magkakaroon ng pagkakataong maghihiwalay ang inyong tambalan at maaaring maitambal ang isa sa inyo sa pelikulang may ibang artistang kapareha.




Dahil dito, maghihiwalay ang lugar ng inyong “shooting place” kung kaya’t bibihira na lamang ang oras niyo sa isa’t-isa. At ganito nga ang sitwasyon ng isa sa mga pinakasikat na loveteam sa Pilipinas na KathNiel. May pelikulang ginagawa ngayon si Kathryn Bernardo sa Hong Kong katambal ang aktor na si Alden Richards. Ito ang dahilan upang mahiwalay siya kay Daniel Padilla. Pero bagamat ganito ang sitwasyon, hindi hinayaan ni Daniel na maging hadlang ito upang hindi niya makita si Kathryn.

Sa post ni Direk Peewee Gonzales, makikita si Daniel na sinorpresa ang aktres sa Hong Kong kung saan ginagawa ni Kathryn ang kanyang bagong pelikula. Lumipad si Daniel patungong Hong Kong upang surpresahin ang aktres. Ayon kay Direk Peewee, kailangan nilang sikreto ang pagdating ni Daniel Padilla sa Hong Kong lalo na sa media para hindi ito mabuko ni Kathryn.

Sa katunayan, si DJ pa raw ang naghintay kay Kathryn para mapuntahan raw nila. Tila bagong taon naman ang naging eksena sa loob ng kuwarto nang dumating na si Kathryn. Makikita sa mukha nito ang laking gulat nang makita niya si DJ na naghihintay sa kaniya doon.

“At sila din they felt home in each others’ arms. Thank you for supporting something so real.”Maraming mga netizens ang natuwa at kinilig sa video lalong-lalo na ang mga taga-suporta tagahanga ng KathNiel.

Patunay lamang ito na hindi dapat maging rason ang distansya para hindi kayo magkita at may mga lalaki pa rin talagang handang bumiyahe ng malayo para lamang makita ang kanilang minamahal. Saludo kami sa iyo, Daniel!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *