Bunsong Anak Ni Francis M Na Si Arkin Magalona Isa Ng Napakagwapong Binata

Ang tinaguriang “The Master Rapper” na si Francis Magalona at kanyang asawang si Pia ang mga magulang ni Arkin Magalona. Si Arkin ang bunso sa mga anak ng mag-asawa, at ilang taon na nga ang matuling lumipas ng [email protected] ang kanyang rapper na ama, kung saan ay napakabata pa niya noon ngunit ngayon nga siya ay binata na.




Matatandaan na noong nabubuhay pa si Francis M, ay madalas niyang kasa-kasama si Arkin, lalo na sa Eat Bulaga at minsan pa nga ay nakakasama niya pa ito na kumanta ng mga rap song.

Photo Credit: arkinaticsofc/Instagram

Sa musc video pa nga noon ni Francis M na “Superproxy” ay nakasama rin nito ang bunsong anak niyang si Arkin, pati na rin si Ely Buendia na dating bokalista ng Eraserheads at ang anak nga nitong si Eon.

Photo Credit: arkinaticsofc/Instagram

Samantala, ngayon nga ay 21-taong gulang na si Arkin, at makikita sa bunsong anak nga na ito ni Francis M na mahilig pa rin ito sa pagkanta ng mga rap songs, maliban pa dito ay nagsusulat na rin ito ng kanta kaya namang isa na rin itong singer-songwriter ngayon.

Photo Credit: arkinaticsofc/Instagram

Maliban sa kanyang yuma0 ng ama na isa nga sa pinakamahuhusay na rapper noon sa ating bansa, ay hinahangaan rin umano ni Arkin ang kanyang nakatatandang kapatid, ito nga ay ang kanyang kuya Elmo Magalona.

Photo Credit: arkinaticsofc/Instagram

Ang iba naman na mga tagahanga niya ay nagsasabi na silang dalawa ng kanyang kuya Elmo ay may pagkakahawig sa isa’t isa. Naging talent na noon ng GMA-7 si Arkin, kung saan ay naging parte siya noon ng Candy Magazine, Teen Gen at Dyesebel noong 2008.

Napanood rin siya noong taong 2011 sa Blusang Itim. Ngunit matapos ang ilang taon sa kanyang karera ay nagdesisyon muna ang binata na unahin at bigyang prayoridad ang pagkakaroon ng edukasyon, kaya naman siya ay nagbalik sa kanyang pag-aaral.

Makikita sa social media ngayon ni Arkin ang new look nito, kung saan siya nga ay nagpakulay ng kanyang buhok. At ayon nga sa kanya, ang American rapper, singer at songwriter na si Lil Peep ang kanyang naging inspirasyon sa estilo ng pananamit niya ngayon.




Naitanong naman ng isa niyang mga tagahanga sa kanya, kung siya ba ay may balak pa na ipagpatuloy ang kanyang karera sa showbiz, at ayon nga kay Arkin kung sakali mang may mag-alok sa kanya ng acting project ay malugod niya naman itong tatanggapin pero mas prayoridad niya pa rin ang kanyang singing career.

Hinangaan at pinuri naman ng kanyang mga tagahanga ang new look ni Arkin, kung saan ayon nga sa mga ito ay nagmukhang Korean star ang binata sa bagong hairstyle nito ngayon at sa kanyang estilo ng pananamit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *