Camille Prats Ipinatayo Na Ang Pinapangarap Na Tahanan Para Sa Kanyang Pamilya

Marami sa atin ang nangangarap na in the future ay matutupad natin ang isa sa mga pangarap natin sa buhay, ito ay ang magkaroon ng isang maayos na tahanan. Isa sa mga sikat na artistang nangarap na magkaroon nito ay ang aktres na si Camille Prats, at ngayon nga ito ay kanya ng matutupad kasama ang kanyang asawa at mga anak.

Photo Credit: camilleprats/Instagram




Ang GMA host -actress na si Camille Prats ay nagbahagi ng mga larawan kasama ang kanyang asawa at kanilang mga anak kung saan makikita sa larawan ang isang construction site na dito binubuo ang kanilang magiging tahanan.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

Ayon nga sa isinulat na caption ng aktres, ay sa lugar na iyon ay mabubuo ang isa sa pinakamagandang regalo na matatanggap nila ngayong darating na pasko, ito ay kanilang dream home para sa kanilang pamilya.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

“God’s amazing and abundant blessings unfolding right before our eyes. All of because of Him and Him alone. “In this site will rise out our future dream home all glory and honor to God Almighty a very merry Christmas indeed.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

Buong pasasalamat para sa ating Panginoon ang mga mensaheng ibinahagi ni Camille sa kanyang Instagram post, dahil ngayon nga ay matutupad na ang kanilang pangarap na mabuo ang kanilang dream home na para sa kanilang masaya at buong pamilya.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

Si Camille Prats at Vj Yambao ay dalawang taon ng kasal,at silang dalawa ay meron na ding apat na anak na nagbibigay sa kanila ng kasiyahan. Matatandaan na si Camille ay mayroong unang asawa at ito ay si Anthony Linsangan, na yumao dahil sa sakit na cancer. Sila ay may isang anak na si Nathan.

Ang kanyang asawa naman ngayon na si Vj ay may anak rin sa unang partner nito at ito ay si Ice. Ngayon ay nabiyayaan na ang mag-asawa ng dalawang anak nila na si Nala at Nolan.
Sa isang interview kay Camille ay sinabi ng Mars host, na napagkasunduan nila ng kanilang asawa na si Vj na si Nolan na ang magiging bunso.




upang makapag focus sila sa pagpapalaki at pag-aalaga sa apat nilang mga anak.Ngayon ay busy ang aktres na si Camille sa pamamalakad at pagiging directress ng kanilang pagmamay-ari na school, maliban sa pagiging hots sa GMA network na “Mars”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *