Camille Prats Sinagot Ang Nagkomento Ng Negatibo Sa Kanyang Pagbabawas Timbang

Sa panahon ngayon ay talaga namang marami ang nagmimithi na magkaroon ng fit and heathly lifestyle, at ilan na nga sa mga ito ay ang mga kilala nating mga celebrity, kung saan ang iba nga ay matagumpay ng nakamit na ang pinapangarap nilang fit at healthy body dahil sa ginawa nilang fitness journey.




Para sa maraming mga kababaihan at kapwa mommy ng aktres at TV host na si Camille Prats ay inpirasyon ang naging matagumpay na pagbabawas nito ng timbang, ngunit sa kabila nga nito ay hindi naman naiwasan ng aktres na may mga mang-bash sa kanyang pangangatawan ngayon.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Camille sa kanyang social media account ang kanyang fitness journey, kung saan ay kanya ngang matagumpay nan a-achieve ang pinapangarap niyang malusog at fit na pangangatawan.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

Makikita sa Instagram ng Kapuso actress-host ang naging pag-post niya ng kanyang selfie photo, kung saan nga ay maaaninag ang kanyang kaseksihan sa suot niyang pink sleeveless dress na talaga namang bumagay sa kanya.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

“When there’s good lighting”, ang naging caption ni Camille sa larawan niyang ito.
Umani naman ng paghanga mula sa mga netizens ang larawan na ito ni Camille, dahil talaga namang kitang-kita na nagbunga ang halos ilang buwan din niyang pagwo-work out para maging fit at toned ang kanyang katawan.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

Samantala, sa kabila naman ng mga papuri na natanggap ng aktres, ay hindi naman niya naiwasan na makatanggap ng mga negatibong komento, kung saan ay may iba nga na tila hinanapan ngkapintasan ang pangangatawan niya ngayon.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

Hindi naman pinalampas ng “Mars pa More” host na diretsahang sagutin ang mga basher na bumabato ng mga negatibong komento sa pagpapayat niya, na talaga namang nagpasira rin sa mood niya.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

Ilang minuto nga lamang ang makalipas ay nag-post si Camille sa kanyang Instagram account, at ang nilalaman nga nito ay ang kanyang mensahe para sa mga negatibo ang napupuna sa kanyang pangangatawan. Binigyang diin ni Camille na wala siyang nakikitang mali sa kanyang katawan, kung saan maayos at malusog ang kanyang kalusugan.

“To those who sending comments about my body, I am at my healthiest. I know I cannot please all of you, but I don’t see anything wrong with my body.”

Paglilinaw ni Camille walang problema ang kanyang kalusugan at hindi dapat mag-aalala ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta, dahil sa fit at healthy siya. Dagdag pa niya, masaya siya sa pangangatawan niya ngayon, at ang tanging nais nga lamang niya ay magbigay ng inspirasyon para sa mga kababaihan na tulad niya na nagnanais na mas maging fit at healthy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats)

Sa isang vlog naman ni Camille, kung saan ay kasama niya ang kanyang asawang si VJ Yambao, ay ipinakita niya kung ano ang mga ginagawa niyang workout para makamit ang timbang na pinapangarap niya. At ayon pa sa kanya, maliban sa pagwo-work out ay sinabayan rin niya ito ng balance diet, para ma-achieve niya talaga ang pangangatawan na kanyang pinapangarap.




“I also do my work out in the morning with an empty stomach coz I feel like mas magaan mag-workout, at sabi nila mas effective daw yun so that’s what I’m also doing.”

“Malaking part talaga nun not eating pork or beef. Nung pinalitan ko yung diet ko because my husband suggested na mag-chicken na lang kami o more of fish and seafood, I also noticed na parang hindi ganu’n ka-bloated yung feeling ko each and everytime I eat”, ang naging pagbabahagi pa ni Camille.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *