Carl John Barrameda Ng Goin’ Bulilit Ikinasal Na Kay Nikolai Cimatu

Ang Goin’ Bulilit actor na si Carl John Barrameda, sa edad na 26-taong gulang ay ikinasal na noong March 7, 2020 sa kanyang fiancee na si Nikolai Cimatu na 26-taong gulang na rin at isang non-showbiz personality.

Photo Credit: iamjosel/Instagram




Ang pag-iisang dibdib ng dalawa ay ginanap sa Laz Casas Filipinas de Acuzar, Quezon City.
Matatandaan na naging bahagi si Carl John Barrameda ng unang batch ng Kapamilya Show na Goin’ Bulilit, na umere mula taong 2005 hanggang sa matapos ito noong 2019.

Photo Credit: iamjosel/Instagram

Ang show na Goin’ Bulilit ay talaga namang isa sa mga pinapanood ng mga kabataan, kaya naman halos labing-apat na taon din itong napanood sa telebisyon at ang huling episode nga nito ay noong August 4, 2019.

Photo Credit: iamjosel/Instagram

Isa sa mga naging kasabayan at naging kaibigan ni Carl sa Goin’ Bulilit ay si Miles Ocampo, kaya naman hindi ito nawala sa kasal.

Photo Credit: iamjosel/Instagram

Sa post ni Miles sa kanyang Instagram Stories, ay ipinabatid niya na ang kaibigang si Carl ang kauna-unahang ikinasal na miyembro ng Goin’ Bulilit.

Photo Credit: iamjosel/Instagram

Si John Manalo na kaibigan din at kasabayan ni Carl sa now-defunct show ay may post din sa kanyang Instagram na “Ikakasal ka na Dodong.”

Makikita rin sa nasabing kasalan ang ilan pa sa mga kabatch at naging kaibigan ni Carl sa Goin’ Bulilit na sina Igi Boy Flores, CJ Navato, Alfred Alain, John Manalo at si Miles Ocampo.

Noong isang taon, February 19, 2019 ng ma-enggage sina Carl at Nikolai sa Hongkong. Ngunit bago ang nasabing engagement ay pitong taong unang naging magkasintahan ang dalawa.




Sa isang eksklusibong panayam kay Carl noong February 28, 2019 ng Philippine Entertainment Portal (Pep.Ph), ay sinabi ng binata na ang kanilang kasal ng kanyang kasintahan ay nakatakda sa March 2020.

Kaya’t heto na nga noong March 7 ay ginanap na ang kasalang Carl John Barrameda at Nikolai Cimatu, kaya naman kitang kita sa larawan ng dalawang bagong kasal ang lubos nilang kasiyahan sa piling ng isa’t isa. Best wishes and Congratulation, newly weds!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *