Carla Abellana At Tom Rodriguez Isina Publiko Na Ang Kanilang Engagement Na Nangyari Noong Nakaraan Pang Taon

Masayang ibinahagi ng Kapuso celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na silang dalawa ay engaged na sa isa’t isa. Sa kani-kanila ngang Instagram account ay ibinandera ng magkasintahan ang naging kaganapan sa marriage proposal na naganap. At nakikita nga sa mga larawan, na isang diamond ring ang naging handog ni Tom sa kasintahan niyang si Carla.




Makikita sa Instagram ni Tom Rodriguez, ang naging pagbabahagi nito ng larawan na kuha sa naging marriage proposal niya sa kasintahang actress. At kalakip nga ng larawan, ay ang isang love quote caption, na mula sa poet diplomat na si Pablo Neruda.

Photo Credit: carlaangeline/Instagram

“I love you without knowing how, or when, or where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this….”, ani Tom.

Photo Credit: carlaangeline/Instagram

Sa IG post naman ng aktres, ay makikita ang naging post ni Carla ng larawan kung saan ay magkasama sila ng fiance na aktor. Nakasaad naman sa nasabing larawan na paulit-ulit niyang sasagutin ng “YES” ang proposal ng aktor, na may kalakip pa ngang ring emoji.

Photo Credit: carlaangeline/Instagram

Ang official photographer na kumuha ng larawan sa engagement ng dalawa na Nice Print Photo, ay nagbahagi rin ng mga nakunan ilang larawan ng magkasintahan. Isa na nga sa mga ito ay ang pagluhod ni Tom kay Carla.

Photo Credit: carlaangeline/Instagram

Buwan ng Oktubre taong 2020 ng ma-engaged ang Kapuso celebrity couple.
Nakalagay nga sa mga larawan na ibinahagi ng Nice Print Photography ay ang caption nito na;

Photo Credit: carlaangeline/Instagram

“And it’s finally out. The actual wedding proposal of Tom Rodriguez and Carla Abellana happened last October 2020. Congratulations lovebirds!” Bumuhos naman ang pagbati para sa magkasintahan, mula sa kani-kanilang mga tagahanga at malalapit na kaibigan sa showbiz.

Photo Credit: carlaangeline/Instagram

Ilan nga sa mga bumati na kapwa artista nina Carla at Tom ay sina Heart Evangelista, Max Collins, Iya Villania, Julie Anne San Jose, Benjamin Aves, Lovie Poe, Ruru Madrid, Andrea Torres, Solenn Heusaff at Chynna Ortaleza.

Ang Kapuso celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez ay mag-anim na taon ng magkarelasyon. At sa mga naging past interview nga sa kanilang dalawa,




ay pareho lang sinabi na handa na silang magpakasal, at ang hinihintay na nga lamang ay ang perfect timing para sa araw na kanilang pinakahihintay. Panigurado naman na isa ang kasal ng dalawa sa inaabangan ng marami nilang mga tagahanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *