Carlo Aquino Masayang Nagbakasyon Sa Bohol Kasama Ang Kanyang Mag-Ina

Noon lamang ika-7 ng Hulyo ay ipinasilip ng mag-partner na Trina Candaza at Carlo Aquino ang naging masayang pagbabakasyon nilang mag-anak sa Bohol, at siyempre kasa-kasama nga nilang dalawa ang kanilang napaka-kyut na anak na si baby Enola Mithi.




Ibinahagi ni Trina sa pamamagitan ng isang vlog sa kanyang YouTube channel ang kanilang naging bakasyon, at makikita nga kung gaano nila inenjoy mag-anak ang mga magagandang tanawin sa Bohol.

Photo Credit: trinacandaza/Instagram

Ilan nga sa mga masasayang naging bonding ng pamilya ay ang pagtatampisaw at paliligo sa dagat. Maliban pa dito ay sinubukan rin nila ang iba pang mga side activity, kagaya na nga lamang ng pagpunta nila sa Virgin Island, kung saan sila ay nag-snorkeling at nakipaglaro sa mga pagong.

Photo Credit: trinacandaza/Instagram

Isang bangka nga ang nagdala sa kanila sa Virgin Islad, at habang sakay ng bangka ay makikita na ine-enjoy nilang pamilya ang pagkain ng mga masasarap na seafoods.
Hindi naman napigilan nina Trina at Carlo ang mamangha ng makarating na sila sa isla,

Photo Credit: trinacandaza/Instagram

dahil talaga namang napakaganda ng tanawin nito, na tila nga naging mala-paraiso dahil sa napakapayapa nito at napakaganda pa ng kulay ng buhangin at ng karagatan, kung saan ang buhangin ay puting-puti at bughaw naman ang kulay ng karagatan.

Kitang-kita nga sa magkasintahang Trina at Carlo na sobra silang nag-enjoy sa lahat ng mga aktibidad na ginawa nila sa isla, kagaya nga ng pakikipaglaro sa mga isda at pagong ng sila ay mag-snorkeling.

Pagsapit naman ng gabi, ay ang pakikipag-bonding naman sa kanyang anak na si Enola Mithi ang pinagkaabalahan ni Carlo, kung saan ay masaya nga silang nag-swimming sa pool. Masisilayan nga sa video na ibinahagi ni Trina, kung gaano ka-hands sa pag-aalaga si Carlo sa kanilang anak na si baby Enola Mithi.

Hindi pa nga natatapos ang bonding ng mag-ama matapos nila mag-swimming, dahil bago matulog ay nagkulitan pa nga ang mag-ama. Kinaumagahan naman, ay ang mag inang Trina at baby Enola naman ang masayang nag-bonding sa dalampasigan, at napakaganda nga nilang pagmasdan mag-ina sa suot nilang twinning outfit.

Sa Instagram account nina Trina at Carlo ay makikita rin ang naging sunod-sunod na pagbabahagi nila ng mga larawan nilang mag-anak na kuha sa naging bakasyon nila sa Bohol, kung saan ay kitang-kita nga kung gaano nila na-enjoy ang magandang tanawin ng probinsya lalo na’t kasa-kasama nila sa bakasyon nilang ito ang kanilang anak.




Samantala, makikita sa buhay ni Carlo Aquino ngayon, na mula sa pagiging isang binatang aktor noon ay isa na nga itong napaka-hands on daddy ngayon sa kanyang unica hija. Isa rin siyang mapagmahal na partner sa kanyang kasintahang si Trina Candaza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *