Carlo Aquino Nais Pakasalan Ang Nobyang Si Trina Candaza

Ilan sa mga naging katanungan sa aktor ay kung natagpuan na ba niya ang babaeng nais niyang pakasalan sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza.
Agad namang Umu “Oo” ang aktor sa katanungang ito ,at dagdag pa ng 34-taong gulang na aktor ay ” Iba yung outlook siguro sa buhay. Mas magaan”.

Photo Credit: trinacandaza/Instagram




Naitanong din sa aktor kung iniisip na ba niya magpakasal. At ayon kay Carlo ay “Oo” dahil nasa tamang edad na rin naman daw umano siya, at abangan nalang umano sa mga susunod na buwan o taon kung mangyayari na nga ang inaantay ng marami na pagpapakasal niya.

Photo Credit: trinacandaza/Instagram

Sina Carlo at Trina ay isang taon at dalawang buwan pa lamang na magkasintahan, ngunit ayon mismo sa aktor ay hindi ito ang tagal o ikli ng pagsasama ng magkarelasyon ang dapat basehan kung dapat na bang magpakasal.

Photo Credit: trinacandaza/Instagram

Nang tanungin din siya kung magiging sikreto din ba ang kasal niya na katulad sa naging kasalang Matteo at Sarah ay “Oo” lamang ang sagot ng aktor, na may plano din umano siya na hindi iinform sa iba kung sakaling siya ay magpapakasal na.

Photo Credit: trinacandaza/Instagram

Ibinahagi din ng aktor na hindi pa siya nagpro-propose sa kanyang nobyang si Trina, at hindi pa umano niya alam kung kailan niya ito gagawin.

Tinanong din kay Carlo kung may ideal age ba siya sa pagpapakasal at ayon sa kanya ay walang ideal age ang pagpapakasal, dahil nasa nararamdaman yun na isang tao kung handa na ba siya o hindi pa.

“Unless sa tamang tao, at sa tamang pakiramdam”, ang maikli at nakangiting kasagutan ni Carlo sa naging katanungan.

Para rin sa aktor ah natagpuan na niya ang tamang tao na kanyang pakakasalan sa katauhan ng kanyang non-showbiz girlfriend ngayon na si Trina. Ngunit wala pa umano siya sa pakiram na nais na niyang magpakasal.

Ngunit ng tanuning siya kung “soon” ay magpapakasal na siya, “Pwede”, ang seryosong isinulat ng aktor. Maliban sa nakasanayan ng marami na Church, beach or garden wedding, saan naman kaya nais ni Carlo kung siya ang ikakasal.

“Maganda sana sa Mountaintop!”, bulalas ng aktor. Sa tuktok ng burol o bundok nga nais magpakasal ng aktor, sapagkat ayon sa kanya ay simple at hindi naman siya magarbong tao. At dahil hilig din niya ang nature na kung saan ay madalas siyang umaakyat sa mga bundok.

Si Rhea Anicoche-Tan na president at Ceo ng Beautederm ay nag volunteer na maging ninang kapag nagpakasal na sina Carlo at Trina, willing din siya na sagutin ang wedding reception ng dalawa.

Ayon kay Rhea ay naging tagahanga siya ng loveteam na CarGel (Carlo Aquino at Angelica Panganiban), at kung magiging posible umano ay nais niyang maging endorser din ng kanilang kumpanya si Angelica Panganiban.

Nang tanungin naman si Carlo kung payag siya kung mangyari yun ay mariin niyang sinabi na; “Hindi naman ako ang may-ari”, at wala sa akin yun. Hindi naman ako ang may decide, work is work”. Wala naman ako karapatan pigilian siya kung nais niyang kunin si Angge(palayaw ni Angelica).

Matatandaan na magkasamang muli sa pelikulang “The Exes Baggage” sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban, na kung saan ay muli silang naging malapit sa isa’t isa ngunit agad ring nagkaroon ng isyu sa pagitan nilang dalawa.

Ayon kay Carlo simula ng magkaroon muli ng isyu sa pagitan nila, ay hindi pa sila muling nagkakausap ng aktres ngunit minsan ag nagkita na sila sa isang event at naging civil naman sila sa isa’t isa.




Kung pagsasamahin daw muli sila sa pelikula ni Angelica ay wala namang maging problema ayon kay Carlo ngunit hindi pa siguro muna ngayon. “Sa tingin ko ay okey lang naman, pero hindi pa siguro sa ngayon”. saad ng aktor.

Inilahad naman ni Carlo na nanghihinayang siya sa pagkakaibigan nila ni Angelica, at kung bibigyan pa ng pagkakataon ay nais niya pa rin sanang maayos ang friendship nilang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *