Carmina Villaroel, Hindi Pinagsisihan Na Pinakasalan Niya Si Rustom Padilla

Hindi nga naman madali ang kilalanin ang iyong tunay na katauhan, lalo na kung nararamdaman mo sa iyong sarili na may kakaiba sa iyong pagkatao na hindi mo maaaring basta-basta ibunyag dahil may mga tao ang pwedeng masaktan higit ang iyong mga magulang.

Image Credit via Google




Isa na sa mga nakakaranas at nakakaramdam ng ganitong sitwasyon ay ang mga LGBTQ , dahil karamihan sa kanila ay hindi magawang aminin sa kanilang mga magulang o pamilya ang kanilang tunay na pagkatao sa kadahilanan nab aka hindi sila matanggap ng mga ito o masaktan nila ito.

Image Credit via Google

Marami sa atin ang hindi pa tanggap sa ating lipunan ang LGBTQ, ngunit may ilan din naman na tanggap sila at handa silang mahalin at pahalagahan. May mga LGBTQ naman na dahil sa hindi agad maamin sa kanilang mga sarili ang tunay na katayuan ng kanilang kasarian ay nagkaroon pa sila ng mga kasintahan o nililigawan bago pa nila nalaman na sila pala ay nabibilang sa LGBTQ.

Image Credit via Google

Isa sa pinakasikat na LGBTQ member na ngayon na nagkaroon ng asawa noon ay si Rustom Padilla, na kung saan ay naging asawa at pinakasalan niya noon ang aktres na si Carmina Villaroel.

Isang napakalaki at napakabonngang kasalan ang naging ganap nung kinasal ang dalawa, ngunit ito ay nauwi sa hiwalayan. Noong pumasok si Rustom sa Pinoy Big Brother isa sa mga reality show ng ABS-CBN ay dito niya inamin ang tunay niyang kasarian, makalipas nito ay nagdesisyon siyang magtungo sa Amerika upang doon ay maging ganap na isang babae. Ngayon nga ay kilala na siya ilang si BB Gandanghari, kilala din siya sa korte ng Los Angeles bilang isang babae.

Bagama’t ganito ang nangyari kay Rustom ay hindi naman pinagsisihan ng aktres na si Carmina Villaroel ang naging pagpapakasal niya dito noon. Ayon sa aktres ay nagkaroon naman silang dalawa ng closure matapos ang kanilang paghihiwalay. Malaki rin raw ang naging ambag ni Rustom sa pagkatao ni Carmina. Sa kasalukuyan ay masaya na si Carmina sa kanyang buhay pamilya ngayon.

Ngayon nga ay kasal na si Carmina Villaruel sa kanyang longtime partner na si Zoren Legaspi, 47 taong gulang at sila ay nabiyayaan na rin ng kambal na anak na si Casey at Mavy na ipinanganak sa Amerika.




Isang inspirasyon din sa nakararami ang naging kwento ng relasyon nina Rustom at Carmina, dahil sa kabila ng naging pangyayari sa kanilang relasyon ay mas pinili ng bawat isa sa kanila ang maging masaya at maging magkaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *