Carmina Villaroel, Hindi Pinagsisihan Na Pinakasalan Niya Si Rustom Padilla

Isa sa mga pinakamahirap gawin ay ang pag-amin mo sa iyong tunay na katauhan. Ito ang hirap na kailangang danasin ng mga miyembro ng LGBTQ dahil karamihan sa atin dito sa Pilipinas ay hindi pa tanggap ang LGBTQ. Mabuti na lamang at may mga taong handang tumanggap sa mga kagaya nila.




Sa katunayan, may mga taong naging kasintahan ang mga LGBTQ members bago pa man sila lumadlad. Isa sa mga pinakasikat na kilala natin ay ang relasyon nina Rustom Padilla at Carmina Villaroel. Ang kanilang kasalanan ang isa sa mga pinakamagandang kasalang naganap noon. Sa kasalukuyan, kasal na ulit ngayon si Carmina sa kaniyang longtime partner na si Zoren Legaspi, 47 taong gulang, at biniyayaan sila ng kambal na sina Casey at Mavy Legaspi na ipinanganak sa Amerika.

 

Si Rustom naman ay umamin noong nasa loob siya ng Pinoy Big Brother tungkol sa kanyang kasarian. Matapos nito, tumungo siya ng ibang bansa upang maging isang ganap na babae. Ngayon, kilala na siya bilang BB Gandanghari at sa katunayan, kilala siya ng korte ng Los Angeles bilang isang babae.

Bagama’t ganito ang nangyari kay Rustom, wala naman raw pinagsisisihan si Carmina sa kanilang bagong relasyon. Nagkaroon naman daw ng closure ang dalawa nang sila ay maghiwalay. Malaki rin raw ang naging ambag ni Rustom sa kanyang estado ngayon bilang isang tao. Sa kasalukuyan, masaya na raw si Carmina sa kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya.

Ito ay isang paalala sa atin na huwag dapat tayong maging bitter sa ating mga nakaraan. Hilingin rin natin ang lubos na kasiyahan para sa ating mga naging kasintahan noon dahil aminin man natin o hindi, dumating din sa punto ng buhay natin na minahal natin sila ng higit pa sa ating sarili. Ang tanging magpapalaya lamang sa’yo patungo sa kasalukuyan ay ang pagtanggap mo sa iyong nakaraan, masama man o mabuti.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *