Catriona Gray Gustong Ipambato Si Liza Soberano Sa Susunod Na Miss Universe

Miss Universe 2018 Catriona Gray, natapos man ang kanyang role bilang Miss Universe ay hindi naman dito nagtatapos ang kanyang career. Sa pagtatapos ng reign bilang Miss Universe ay mag-uumpisa naman ang karera ni Catriona sa industriya ng showbiz kung saan maraming pintuan ang magbubukas para sa kanya.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram




Sa isang press conference na ginanap matapos ang pagpirma ng kontrata ni Catriona sa ABS-CBN’s publishing arm, na maglalabas ng kanyang librong ‘Conquering your Universe’, ay na itanong sa kanya kung sino sa mga showbiz personality ang kanyang napupusuan at mayroong potential na maging isang beauty queen na katulad niya.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

At ang naging sagot ni Catriona ay ang napakagandang si Liza Soberano, marami nga naman ang nagsasabi na bagay na bagay si Liza na maging isang beauty queen. At kung siya man ay maging isa sa kalahok sa mga beauty pageant ay talaga ngang magiging agaw pansin ang kanyang ganda.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

“Everyone’s always wanted Liza to join, di ba? She’s very very beautiful. I feel like she would be wonderful,” ang saad ni Catriona. Hindi nga lang ilang beses na, may bumanggit sa pangalan ni Liza Soberano na maging isang beauty queen.

Photo Credit: lizasoberano/Instagram

Ayon pa din kay Catriona, ang kagandahan ni Liza ay talaga nga namang hindi matatawaran. Nguni tang pagiging isang beauty queen ay hindi lamang sa pisikal na ganda ang labanan, kundi dapat nasa iyong sarili ang willingness na talagang gusto mong gawin ang bagay na iyon at mahal mo ang bagay na ginagawa mo, syempre nandun yung kagustuhan mo na masungkit ang korona dahil yun ang magiging motivation mo.

Photo Credit: lizasoberano/Instagram

Matatandaan na noong nanalo bilang Miss Universe 2015 si Pia Wurtzbach, ay ang kanyang naging buhay bago tangahaling beauty queen ay isinabuhay ni Liza sa “Maalaala Mo Kaya” episode. Si pia din ang mismong pumili kay Liza na gusto niyang gumanap bilang siya, at sinabi rin noon na Pia na ang aktres ay nababagay din na sumali sa mga beauty pageant dahil sa angking ganda nito.

Photo Credit: lizasoberano/Instagram

Ngunit kahit nga marami na ang nagsasabi na bagay na bagay si Liza na lumahok sa mga beauty pageant, at kahit ang ama at boyfriend ni Liza ay sang-ayon din, hindi naman ito binigyang pansin ni Liza. Dahil ayon sa aktres, ang pagiging beauty queen at paglaban sa mga pageant ay hindi para sa kanya.

Photo Credit: lizasoberano/Instagram




Hindi nga naman natin pwedeng ipilit ang isang bagay, mas maganda pa rin na ang pagiging beauty queen ay gagawin ng taos sa puso. Kaya’t para sa mga tagahanga ni Liza, susuportahan pa rin nila kung ano ang nais na tahaking landas ng kanilang idolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *