Catriona Gray Nililigawan Umano Ng Isang Kilala At Sikat Na Aktor

Sino ba naman ang hindi mabibighani sa gandang taglay ni Miss Philippines 2018 Catriona Gray? Ang isa sa hinahangaan ng maraming kababaihan at pinapantasya naman ng maraming kalalakihan dahil sa taglay niyang ganda at personalidad.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram




Marami ang talagang nagnanais na mapalapit sa nasabing beauty queen kaya naman hindi magiging katakataka kung may ilang mga gwapong aktor mula sa showbiz ang i-link sa kanya o kaya naman ay mapabalitang manligaw sa dalaga.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

Dalawa sa mga kilala at gwapong aktor ang inilalapit sa pangalan ni Miss 2018 Catriona Gray, na di umano ang dalawang aktor na ito ay planong manligaw sa beauty queen.
Matatandaan na nagsimulang maging usap-usapan sina Sam at Catriona ng lumabas sa social media ang larawan kung saan ay nahuling magkasama silang dalawa.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

Ang mga larawang ito nina Sam at Catriona ay talagang pinag-usapan sa social media, sapagkat lumabas ito noong nakaraang January lamang kung kailan linggo pa lang ang lumipas ng inamin ng beauty queen at dati nitong nobyo na si Clint Bondad ang kanilang hiwalayan.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

May mga ilan naman na nagsabi na kaya magkasama sina Sam at Catriona sa larawan ay sa kadahilanan na silang dalawa ay nasa isang management lamang kaya madalas ang kanilang pagkikita at pagkakasama, ang iba naman ay inuusisa pa kung talaga ngang si Sam Milby ang lalaking nasa larawan na kasama ni Catriona.

Hindi naman nagtagal ay natapos at naglaho din ang usaping ito tungkol kana Catriona at Sam. Sa kabilang banda naman, marami sa mga social media user ang naniniwala na si Catriona Gray ang tinutukoy ng aktor na si Alden Richard ng sabihin nito na ang nais niyang ligawan ay isang dalagang Pilipina.

Nang tanungin naman ang gwapong aktor kung ano ang masasabi niya sa Miss Universe 2018 Catriona Gray, ay inamin nito na talaga namang kahanga-hanga at kagusto-gusto ito.




Sa isang panayam naman kay Catriona ay agaran nitong nilinaw ang usapin na nais siyang ligawan ng aktor na si Alden Richard, at ayon sa beauty queen ang kanyang mga tagahanga ang nais na makapareha niya si Alden. Sinabi rin ni Catriona sa naging panayam na ito sa kanya na hindi niya pa name-meet ang naturang aktor sa personal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *