Catriona Gray Personal Na Nagsagawa Ng Relief Mission Para Sa Mga Nasalanta Ng Bagyo Sa Catanduanes At Camarines Sur

Sa naging pagdaan ng maraming mga [email protected] sa ating bansa noong mga nakaraang buwan, ay isa ang bayan ng Catanduanes at Camarines Sur sa labis na naapektuhan at nasalanta. Kaya naman dahil dito, ay maraming mga pribadong o sikat na personalidad ang nagpa-abot ng kani-kanilang tulong para sa mga kababayan natin na labis na naapektuhan sa nasabing probinsya.




Katulad na nga lamang ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, na isa sa mga personal na nagsagawa ng relief mission para sa mga lugar at probinsya na kinakailangan ng tulong, dahil sa labis na paghagupit ng bagyo sa kanila.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

At ilan nga sa mga lugar na personal na tinungo ni Catriona, ay ang Camarines Sur at Catanduanes, kung saan ay siya mismo ang namahagi sa mga kababayan natin doon ng mga relief na mula sa nalikom na donasyon.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

Makikita nga sa Instagram account ng beauty queen, ang kanyang naging pagbabahagi ng “update”, patungkol sa ginagawa nilang donation drive. Kung saan ayon sa kanya, ay tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pamamahagi ng ayuda sa mga kababayan natin sa iba’t ibang mga lugar at probinsiya sa ating bansa na nakaranas ng labis na pananalanta ng mga bagyo noong mga nakaraang buwan.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

Narito nga ang naging post ng girlfriend ni Sam Milby, na si Catriona Gray;
“Traveled with @philredcross to typhoon affected areas Cam Sur and Catanduanes to be present in the giving of Multipurpose Cash Grant and Shelter tool kits.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

“And I just want to say THANK YOU to all of our donors, locally and abroad, who have come together to give to our typhoon-affected kababayans. “It’s one thing to call for awareness and donations on my platforms, but a completely different thing to be present in person when the aid is given.”

Photo Credit: catriona_gray/Instagram




Makikita nga ang naging pasasalamat ng beauty queen, sa mga taong may mabubuting puso na nag-abot ng kanilang mga donasyon, para maging matagumpay ang relied mission na ginagawa nila ng kanyang grupo.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

Maliban pa rito ay mababasa rin sa post ni Catriona, ang muli niyang panawagan sa lahat ng ating mga kababayan saan mang sulok ng mundo, sa mga nais magbigay ng donasyon, dahil ayon sa kanya ay napakarami pang mga kababayan natin ang ngangailangan ng tulong.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *