Celebrity Couple Judy Ann Santos At Ryan Agoncillo Ibinahagi Ang Kanilang Unique Date Experience Sa Isang Napakagandang Lugar

Sa buhay mag-asawa, kahit na araw-araw niyo ng nakakasama sa loob ng iyong pamumuhay ang taong iyong minamahal [asawa], ay hindi ibig sabihin ay hindi niyo na siya bibigyan ng panahon at oras na maka-date.




Importante sa buhay ng mag-asawa, na magaan pa rin ng oras sa isa’t isa, ‘yung kayong dalawa lang, ‘yung mae-enjoy niyo muli ang ‘company’ ng isa’t isa, na parang nagliligawan pa lamang upang kilig ng pagmamahalan ay manatili sa relasyon niyong dalawa.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Kagaya na nga lamang ni Ryan Agoncillo, na muling niyaya ng ‘date’ ang kanyang misis na si Judy Ann Santos. Ilang buwan na ring hindi nakapag date ang mag-asawa dahil sa pagkakaroon ng lockdown, kaya naman ngayon na lumuwag na ang gobyerno at nagbukas na ang ilan sa mga piling lugar na pwedeng pasyalan ay niyaya ni Ryan ang asawa, upang mamasyal at mag-date sila sa isang magandang lugar.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Nito nga lamang unang linggo ng buwan ng Marso ay ibinahagi ng celebrity couple ang kanilang naging unique date experience. Makikita nga sa mga larawan na kanilang ibinahagi na napakasay ni Juday, na muling mag-date ang mister.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Ang naturang date nga ng mag-asawa, ay hindi ‘yung tipo na candlelight dinner, kundi isang adventure park date, ngunit sa kabila nito ay napaka-romantic pa rin.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Nagtungo nga ang mag-asawa sa isang KDR adventure park na puno ng maraming mga team building activities at outdoor activities tulad ng ATV rides o buggy rides. Matatagpuan ang adventure park na ito sa Orani, Bataan.

Isang video naman ang ibinahagi ni Juday sa kanyang social media account, kung saan ay makikita ang naging masayang date nila ng asawang si Ryan, dahil sa tila bumalik sila sa pagkabata ng subukan nila ang iba’t ibang mga activities sa nasabing adventure park.
Kalakip ng naturang video ay ang caption ni Juday na;

“Yesterday was parents’ day out… and it was sooooo fun!!!! That different kind of adrenalin rush and excitement. Para kong bumalik sa pagiging 20’s ko! Thank you, my love @ryan_agoncillo for a full day of laughter, adventure and fun! [two red heart emoji] Super worth it yung pag gising ko ng masakit ang katawan [laughing emoji] Gumising akong nakangiti at ngalay ang buong likod ko.”




Sa social media account naman ni Ryan, ay makikita ang naging pagbabago rin nito ng video nila ng asawa sa kanilang naging unique date experience, at nakakakilig na mensahe naman ang inilapat niya na caption dito para kay Juday.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

“Makita lang kitang may ngiti sa mata”, caption ni Ryan. Samantala, nang malaman nga ng ibang mga momshie netizens na idinate ni Ryan Agoncillo ang misis nitong si Judy Ann Santos ay samu’t saring papuri at virtual thumb up ang natanggap nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo)

Kahit naman ilang taon ng kasal at mag-asawa sina Ryan at Judy Ann, ay nanatiling matibay at puno ng pagmamahalan at kilig ang kanilang pagsasama. Sa ngayon ay may tatlo ng anak ang mag-asawa, ito nga ay sina Yohan, Lucio at Luna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *