Celebrity Couple Na Sina Jason Abalos At Vickie Rushton Masayang Inanunsyo Ang Kanilang “Engagement”

Kahit napakarami ngang celebrity couple ang napabalita ang hiwalayan pagpasok ng taong 2022, ay pinatunayan naman ng magkasintahang sina Jason Abalos at Vickie Rushton na ‘true love’ exist at may mga pag-iibgan pa rin na nauuwi sa “happy ending “, ito ay matapos nilang ihayag sa publiko ang pagiging engaged na nga nila sa isa’t isa.




Nito nga lamang nakaraang ika-2 ng Hunyo ng kasalukuyang taon ay masayang ibinahagi ng magkasintahang Jason at Vickie sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang magandang balita, at ito ay ang pag-level up na nga ng kanilang relasyong dalawa. Kalakip ng anunsyo na sila nga ay engaged na, ay ang larawan kung saan ibinida ni Vickie ang engagement ring na ibinigay ni Jason sa kanya.

Photo Credit: vimrushton/Instagram

“So, Baba and I have been keeping a little secret,” saad ni Vickie sa caption ng kanyang post.
Nilakipan niya pa nga ito ng isang verse sa Bible na, ‘When the time is right I, the Lord, will make it happen.”

Photo Credit: vimrushton/Instagram

Base naman sa Instagram post ni Jason, ay noon pa ngang buwan ng Setyembre noong nakaraang taon pa sila na-engaged ng kasintahan. Ayon nga sa post ng aktor, ay malapit na nila patugtuging magkasintahan ang kampana, na nangangahulugan nga na sila ng nobya ay nalalapit ng magpakasal.

Photo Credit: vimrushton/Instagram

“Habambuhay ko pasasalamat ang Panginoon sa buhay mo Baba,”
“Patugtugin na ang kampana!”, saad nga ni Jason sa kanyang Instagram post.
Taong 2010 ng magtagpo ang landas ng 30-taong gulang na si Vickie Rushton at 37-taong gulang na si Jason Abalos sa isang Kapamilya Caravan na ginanap noon sa Bacolod.

Photo Credit: vimrushton/Instagram

Matatandaan naman na noong nakaraang taon ay ibinahagi na nga ng aktor na nais na niya na sila ng nobya niyang si Vickie ay magsimula na sa pagbuo ng kanilang pamilya, ito nga ay matapos i-anunsyo ni Vickie ang kanyang desisyon na itigil na ang kanyang pageantry journey. Taong 2018 ng huling sumabak si Vickie sa beauty pageant at ito nga ay noong Bibinibing Pilipinas 2018 kung saan siya ang itinanghal na 1st Runner Up.




“Siguro nasa ano na kami ni Vickie, eh. Matagal na akong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant. Tingin ko ayon na ‘yon, eh. Sabi ko, ‘O, tama na yan, hindi ka na pwede, tayo naman,'” saad nga ni Jason ng mga panahon na ‘yon.

Dagdag pa niya, “Kasi hinayaan ko siya talagang lumarga, gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya. So ngayon, siguro panahon na para bumuo naman kami ng pamilya.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.