Celebrity Couple Sarah Geronimo At Matteo Guidicelli Ibinahagi Kung Magkano Ang Kinita Ng Kanilang Business Cupcakes

Naging passion na ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang pagbubukas ng masasarap na cakes at cupcakes mula ng natutunan niya ang baking.




Attila nga ang masarap na pagkain na ito na kanyang ibini-bake ay hindi na lang ngayon para sa panlasa ng kanyang mahal na asawang si Matteo Guidicelli, dahil napagdesisyunan nilang mag-asawa na gawin na rin itong negosyo para naman matikman ng publiko ang masasarap na cakes at cupcakes na gawa ng Popstar Royalty.

Photo Credit: ashmattfann/Instagram

Mula nga ng maging hilig ni Sarah ang pag bi-bake ay madalas na ang ibinahagi ng kanyang mister na si Matteo sa Instagram account nito kung gaano siya ka-proud sa kanyang misis at sa masarap na mga cakes at cupcakes na ginagawa nito.

Photo Credit: ashmattfann/Instagram

Samantala, nito nga lamang nakaraan, ay panibagong journey sa pag-bake ng cakes at cupcakes ni Sarah ang ibinahagi ni Matteo sa kanyang Instagram.

Photo Credit: ashmattfann/Instagram

At ito nga ay ang naging masayang pagbabahagi nilang mag-asawa ng kauna-unahan nilang kinita sa pagsisimula nila sa negosyo nilang cupcakes, kung saan ay isa ngang maikling video ang ipinost ni Matteo sa kanyang IG story.

Photo Credit: ashmattfann/Instagram

Sa naturang video nga ay makikita ang naging pagbubukas ni Sarah ng isang kulay puting sobre, kung saan sa sobre ngang ‘yon nakasilid kung magkano ang kinita nila sa kanilang pagbebenta ng cupcakes.

Photo Credit: ashmattfann/Instagram

Maririnig naman na tinanong ni Matteo si Sarah kung magkano ang laman ng sobre, kung saan ay pabiro nga siyang sinagot ng kanyang misis na P2,000 ang kanilang kinita sa unang benta nila. Ngunit base nga sa video, ang tunay na kinita ng mag-asawa sa unang benta nila ng kanilang cupcakes ay halagang P200.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ashmatt fAnn (@ashmattfann)

“Our first sale from our cupcake”, ang naging saad ni Matteo. Sabay tanong na din sa misis niyang si Sarah ng, “How much baby?” At ito nga ay pabirong sinagot ng Popstar Royalty na,“Two thousand.”




Makikita naman sa reaksyon ni Sarah sa video na masayang masaya ito sa halagang kanilang kinita, kahit pa nga ang tunay ay P200 lamang ang naging benta nila. At dahil labis nga ang kasiyahan ni Sarah, ay mas doble a ng nadamang sa saya ni Matteo dahil sa nakita niyang kaligayahan ng kanyang misis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ashmatt fAnn (@ashmattfann)

Para naman bigyan ng kaalaman ang lahat, ang husay sa pagbi-bake ni Sarah ay kanyang natutunan ng mag-aral siya ng cooking lesson noong taong 2016 sa tulong ng mahusay na chef na si Chef Gene Gonzales. Masasabi naman natin na maraming natutunan sa pagluluto si Sarah, dahil talagang proud na proud ang kanyang mister na si Mateo sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *