Celebrity Couple Vicki Belo At Hayden Kho Kumasa Na Rin Sa “Totropahin O Jojowain Challenge”

Nauuso ngayon sa mga celebrity ang paglalaro ng ‘totropahin o jojowain challenge’, kung saan pwede itong laruin ng magkakaibigan o magkarelasyon. Ilan na nga sa mga celebrity na naglaro nito ay ang magkaibigang Kim Chiu, Bela Padilla at Angelica Panganiban noong sila ay magbakasyon. Sa magkarelasyon naman, ay ang mag-fiancee na Luis Manzano at Jessy Mendiola na ang nakapag aral nito.




At nito nga lamang nakaraan, ay kumasa na rin ang celebrity doctor na si Vicki Belo at mister nitong si Hayden Kho sa ‘totropahin o jojowain challenge’.

Image Credit via YouTube

Ayon nga sa naging ulat ng KAMI.com.ph, ay napilit ni Dra. Belo, ang kanyang mister na gawin ang nasabing challenge, at sa umpisa pa nga lamang ng video na kanyang ginawa ay sinabi ng celebrity doctor, na sana ay hindi sila mag-away mag-asawa.

Image Credit via YouTube

“Si Hayden, kasi magaling sa totropahin muna bago jojowain”, ang naging pangbibisto ng ani Dra. Belo sa kanyang mister.

Image Credit via YouTube

Sa video nga ay makikitang si Hayden Kho muna ang unang sumalang sa nasabing challenge, kung saan karamihan sa mga female celebrity na nabanggit, tulad nina Angel Locsin, Anne Curtis at Lovi Poe, ay kanya raw umanong totrohapin, dahil sa kaibigan daw talaga nila ang mga ito.

Image Credit via YouTube

Ngunit ng banggitin na nga ang pangalan ng Hollywood star na si Natalie Portman, ay inamin ng mister ni Dra. Belo, na ito talaga ay ‘jojowain’ niya.

Image Credit via YouTube

Ayon pa nga kay Hayden Kho, ay naka-encounter na niya noon ang nasabing Hollywood stars ngunit hindi umano siya nito mapaunlakan na magpa-picture silang dalawa.

Video Credit: Vicky Belo/YouTube

Sumunod na ang sumulat ay si Dra. Vicki Belo na, at halos karamihan rin niyang sagot ay ‘totropahin’, maliban na nga lang sa football star na si David Beckham na ‘jojowain’ daw talaga niya.




Kilala bilang dermatologist at television personality sa Pilipinas si Dra. Vicki Belo, maliban dito ay siya rin ang founder, CEO at Medical doctor ng Belo Medical Group.
Ang kanyang mister na si Hayden Kho, ay isa ring doktor, at ang kanilang pagsasamang mag-asawa, ay nabiyayaan na ng isang anak na babae na pinangalanan nilang si Scarlet Snow.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *