Celebrity Couple Vin Abrenica At Sophie Albert Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Kanilang Giant Baby Avianna Celeste

Masayang ng ipinakilala sa publiko ng proud parents na sina Sophie Albert at Vin Abrenica ang kanilang bagong silang na sanggol.




Dalawang linggo nga matapos ibandera ng celebrity couple na isinilang na ni Sophie ang panganay nila na anak ni Vin ay nagawa na nga nilang isapubliko ang ilang detalye, tungkol sa naging pagsilang ng kanilang baby girl.

Image Credit via YouTube

Sa latest vlog ng dalawa, ay ibinahagi nga nila ang ilang detalye tungkol sa kanyang panganay na anak, kung saan nga ay nalaman natin na isinilang pala ito via caesarean section dahil sa pagiging giant baby nito, noong ika-5 ng Marso sa ganap na 8:27 ng umaga.

Image Credit via YouTube

Isang napakaganda namang pangalan ang ibinigay nila sa kanilang giant baby girl at ito nga ay Avianna Celeste. Ikinuwento ng Kapuso actress sa unang bahagi ng video na nong 37th week palang ang kanyang tiyan at bumisita sila sa OB ay sinabi na sa kanila na malaki ang kanyang baby.

Image Credit via YouTube

“What happened was 37th week checkup I was told na she was already 8 lbs. On my 38th week checkup, we were told that she’s already 9.2 lbs.”

Image Credit via YouTube

Dagdag pa ni Sophie, dahil nga sa malaki ang sanggol sa kanyang sinapupunan, ay kinakailangan na niyang i-CS nong kabuwanan na niya, na talaga namang hindi niyabm inasahan dahil buong akala niya ay magiging normal delivery ang unang panganganak niya.

“She’s a big baby, so it would be safer for us to deliver her via C-section—which is something that I was not expecting. I was hoping to be able to deliver normally but whatever will get her to this world safe.”

Naibahagi pa ng celebrity couple, na pagsilang na pagsilang ng kanilang baby girl ay nag-stay ito sa NICU o Neonatal Intensive Care Unit. “Avianna has to be in the NICU because they have to observe her, kasi her oxygen levels go down.

“And then when they did an x-ray on her lungs, parang there’s still water, which they say is normal when you’re caesarean kasi hindi masyadong nai-squeeze ‘yung baby. Plus it’s also normal for a giant baby,” pagbabahagi pa ni Sophie.

Video Credit: Vhin and Sophie/Youtube

Ipinakita rin nina Vin at Sophie sa naturang video ang naging pregnancy journey ng Kapuso Actress. At kalakip naman ng video ay ang diskripsyon kung saan ay ibinahagi ng dalawa kung gaano sila kasaya sa pagdating ng kanilang munting anghel sa kanilang buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vin Abrenica (@vinabrenica)

“Baby A was born. It has been quite a journey…Getting pregnant in the middle of a pandemic, and giving birth at the height of it a year after it all started.




“We were lucky that despite all the challenges and scares we went through, we were able to experience Baby A’s birth together and she is finally here with us, safe and healthy. Our hearts are full of love for our little angel,” ayon pa sa engaged couple.

Sina Vin at Sophie ay isa sa mga celebrity couple na ngayon ay engaged na, at noon ngang buwan ng Pebrero mismong araw ng mga puso ng kasalukuyang taon ng i-anunsyo nila na sila’y nagkaroon na ng anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *