Celebrity Mom na Si Dimples Romana Nakisabay Sa Pag-Awra Sa Kanyang Napakagandang Anak Na Si Callie

Isa sa mga aktres na talaga namang hinahangaan ngayon dahil sa kanyang angking husay sa pag-ganap ng kontrabida roles ay si Dimples Romana. Pero kung nakikit natin siya bilang isang matapang at mataray na kontrabida sa mga nagiging proyekto niya, ay kabaliktaran naman ito sa totoo niyang personalidad.




Isang mabuti, mapagmahal at maalagang ina sa kanyang pamilya ang aktres na si Dimples Romana, kaya naman talagang bidang-bida siya sa kanyang pamilya.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Samantala, nito lamang nakaraan sa ibinahaging larawan ng aktres sa kanyang IG post ay makikiya ang naging twinning pictures nila ng kanyang panganay na anak na si Callie. At kitang-kita nga ang pagiging malapit ng mag-ina sa isa’t isa.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Nakipagsabayan si Dimples sa pag-awra sa kanyang anak, at tila nga hindi mapaghahalata na mag-ina ang dalawa kundi tila magkapatid lamang dahil sa mas bumabata pang awra ngayon ni Dimples.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

“Love you ate @callieahmee.. Twinning of you reminds me of my youth and how to just keep letting the sunshine in. If you follow our #TheFAhmeely you will know na si Callie talaga ang mahilig sa anything locally handmade. She bought this from @[email protected] and had it customized.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

She got this twinning outfits a few months ago pa, I think around the time I just began with my fitness and weight loss journey. Ngayon ko lang nasuot. Akala ko kasi hat ad bandana, top pala”, caption ni Dimples sa larawan nila ng kanyang anak na si Callie.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Ibinahagi rin naman ng aktres na ngayon ay talagang hindi na mawawala sa kanya ang kanyang fitness goals, ito ay hindi lamang para mapanatili ang kanyang katawan n amalakas at malusog, kundi para narin mapanatili ang kanyang figure at mas lalo pa ngang bumabatang awra.




May payo naman na ibinahagi si Dimples para sa kanyang anak at mga tagasuporta pagdating sa pangangalaga ng sarili. “DimpsTips if you want to embark with same journey, it would help to get a motivation dress or outfit. See how inspired you’ll feel when they finally fit you well.

“As for me, I can’t keep stressing enough how I love my body through thick and thin and no matter how cliché it may sound, HAPPINESS is actually an INSIDE JOB, work on the inside first before anything”, ang payo nga ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *